SEKTOR NG AGRIKULTURA
Ang Pilipinas ay maituturing na isang agrikultural na bansa.
Mula sa kalupaang sakop nito na umaabot sa 300,000 kilometrong parisukat, nasa 47% ang lupang agrikultura.
Maroon tong malalawak na kapatagan, katubigan, kabundukan, at kagubatan na nagtataglay ng mga likas na yaman at yamang agrikultural.
Ayon sa kanila, ang Agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga halaman, hayop, pati na rin ang mga isda, at kagubatan. Ito ang pinagkukunan natin ng ating mga pangunahing pangangailangan. Nagiging susi ang Agrikultura sa pagsulong ng ating ekonomiya.
Subsektor ng Agrikultura
Pagsasaka (farming)
Paghahayupan (livestock)
Pagmamanukan (poultry)
Pangingisda (fishery)
Paggugubat (forestry)
Iniuugnay ito sa lang mga salita tulad ng paghahalaman, pagbubukid, pagbubungkal ng lupa, at horticulture.
Horticulture - Ang hortikultura ay ang industriya at agham ng kultibasyon o paglilinang ng halaman na kabilang ang proseso ng paghahanda ng lupa para sa pagtatanim ng mga binhi o buto ng mga halaman, ng mga lamang-ugat o halamang-ugat, o mga putol ng halaman
Ang paghahayupan ay isang mahalagang parte ng agrikultura dahil nakakatulong ito sa pag-supply ng pangangailangan natin sa karne at iba pang pagkain. Isa itong alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka bukod sa pagtatanim ng palay at mga gulay.
Ang manok ay binubuo bilang isang pinakamahalagang subsektor ng Agrikultura sa Pilipinas. Sa lahat ng mga hayop na pinalaki para sa pagkonsumo ng tao, ang mga baboy at manok ang pinakakaraniwan, na bumubuo ng karamihan sa dami ng produksyon ng mga hayop sa Pilipinas.
Ang pagsasaka ng manok ay ang uri ng pag-aalaga ng hayop na nagpapalaki ng mga alagang hayop, upang makabuo ng karne o mga itlog para sa pagkain.
Pangingisada
Tumutukoy sa pag-aalaga at pagpapalaki ng iba't ibang uri ng isda sa mga palaisdaan. Ito ay maaaring gawin sa fresh o tabang.
Ay tumutukoy naman sa pangingisda sa municipal waters at gumagamit ng maliliit sasakyang pandagat (Jon Boat)na may kapasidad na tatlong tonelada pababa.
Municipal Waters - tumutukoy hindi lamang sa mga ilog, lawa, at panloob na katubigan na sakop ng munisipalidad kundi maging sa mga lugar na hindi lagpas sa 15 kilometro mula sa baybayin nito
Dalawang uri ng Municipal Fishing:
Inland fishing - pangingisda na isinasagawa sa mga tubig-tabang, at brackish water na nasa loob ng municipal waters
Marine fishing- pangingisda na isinasagawa sa mga tubig-alat ngunit bahagi pa rin ng municipal waters
Ay pangingisda sa labas ng municipal waters na gumagamit ng malalaking sasakyang pandagat (trawler) na may kapasidad na hindi bababa sa tatlong tonelada.
Nauuri ito sa tatlo:
Small Scale Commercial fishing (gumagamit ng sasakyang pandagat na may kapasidad na 3.1 hanggang 20 tonelada)
Medium Scale Commercial Fishing (gumagamit ng sasakyang pandagat na may kapasidad na 20.1 hanggang 150 tonelada)
Large Commercial Fishing (gumagamit ng sasakyang pandagat na may kapasidad a 150 tonelada pataas).
Forestry - Ang paggugubat ay isang hakbang o gawain upang linangin ang yamang-kagubatan. Sa paglilinang ng yamang- kagubatan, minarapat ng pamahalaan na magkaroon ng mahalagang papel upang magkaroon ng paglimita sa paggamit ng likas yaman.
Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
Pangunahing mapagkukunan ng pagkain.
Tagapaghatid ng primarya o hilaw na materyales.
Pambalanse sa daloy ng importasyon at eksportasyon.
Pamilihan ng produktong industrial at serbisyong teknikal.
Nagbibigay ng trabaho sa mamamayan at dagdag na kita sa pamahalaan.
Tagapaghatid ng serbisyo sa ibang sektor.
Mga Suliranin sa Agrikultura
Hamon ukol sa pagpapatupad ng reporma sa lupa.
Kakulangan ng kaalaman, kasanayan, at inobasyon
Hindi magandang epekto ng urbanisasyon.
Masamang epekto ng climate change at mga kalamidad.
Patuloy na pagtaas ng halaga ng kagamitang pang- agrikultura sa kabila ng pagkakaroon ng murang presyo ng produktong agrikultural.
Pagkasira ng mga natural na tahanan ng mga isda at iba pang yamang-tubig.
Mali o ipinagbabawal na pamamaraan ng pangingisda.
Mataas na halaga ng pasilidad, pagkain, at serbisyo.
Mga nakahahawa at nakamamatay na sakit.
Maling pamamaraan ng paggamit ng mga likas na yaman.
Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Tumutulong sa Sektor ng Agrikultura
Department of Agriculture (DA)
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR)
Department of Environment and Natural Resources (DENR)/
Environmental Management Bureau (EMB)
Forest Management Bureau (FMB)
Land Bank of the Philippines (LBP)
Ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka ganun na din ang pagpapababa ng insedente ng kahirapan sa mga sektor na rural
Bureau of Fisheries
Department of Environment and Natural Resources
Responsable sa pagpapanatili ng maayos na paggamit sa mga likas na yaman sa bansa
Forest Management Bureau
Tungkulin nilang pangalagaan ang gubat at protektahan ito
Land Bank of the Philippines
bangko sa Pilipinas na pagmamay-ari ng pamahalaan ng Pilipinas, na may natatanging pokus ng paglilingkod sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.