-Ang pamilihan ay ang lugar kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at mga nag titinda. Salapi ang kalimitan na ginagamit sa palitan.
An inquiry into the Nature and Causes Wealth of Nation (1776)
Ayon sakanya may invisible hand sa pamilihan.
Ang invisible hand ay ang gumagabay sa prodyuser at konsyumer upang mapaayos ang pamilihan - ang presyo, ito ang nagtatakda sa dami ng produkto na kayang bilin o ipagbili ng prodyuser at konsyumer.
-Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng pamilihan kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
Ang pamantayan o tinatawag na benchmark ay ang pamilihang may ganap na kompetisyon sapagkat sa estrukturang ito ay natatamasa ang isa pang ideyal na panukatan - ang ekilibriyo.
example: Kung ang iyong kakumpitensya ay nakakakuha ng mas mahusay na mga review ng customer, kailangan mong suriin kung ano ang pagkakaiba at alamin kung paano pagbutihin ang kalidad ng iyong produkto.
Ang mga tindera ay walang kakayahang magimpluwensiya sa presyo man o supply kaya sila ay tinatawag na price takers Dahil sa kumpetisyon sa merkado, karamihan sa mga producer ay mga price-takers din. Sa ilalim lamang ng mga kundisyon ng monopolyo o monopsonya nakakakita tayo ng paggawa ng presyo.
example: papasok ang mga customer sa isang grocery store, piliin ang mga kalakal na gusto nilang bilhin, at mag-check out sa isang cash register na nagbabayad ng paunang natukoy na mga presyo para sa kanilang mga item.
katawagang ginagamit sa konteksto ng pagbiling “sukat” kung saan nakapamili ng nais sa abot kayang presyo ang mga konsumer.
example: nabili mo ang gusto mo sa abot ng iyong pera.
Sa matematikal na pagpapaliwanag, ito ay tumutukoy sa tubong natatamo kapag ang kabuong benta o total na revenue (TR) at ang kabuoang gastos o total cost (TC) ay pareho.
example: bumili ka ng kailangan sa paggawa ng mango graham para itinda, at pareho ang kabuoang gastos mo at kabuoang benta.
Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
Magkakaparehong produkto
Walang Artipisyal na hadlang
Maraming namimili at nabibili
Madali sa paglabas at pagpasok
Malaya sa impormasyon sa presyo at teknolohiya
Sa prodyuser, hindi nila kaya kontrolin ang presyo dahil maraming nag titinda ng mga parehong uri ng produkto o serbisyo sa pamilihan. At dahil dito ang Konsyumer ay maraming pag pipilian kung saan at kanino bibili ng partikular na produkto. Ito'y nangangahulugang sa balangkas na ito ay napaka liit ang kapangyarihan ng isang prodyuser kumpara sa kabuoang bilang ng prodyuser sa pamilihan.
Sa konsyumer naman, walang sinoman ang makakadikta ng presyo dahil masyado din silang maliit kumpara sa ibang maaaring bumili nung produkto.
Dahil dito, ang lahat ng konsyumer at prodyuser ay mapipilitan bumili at mag benta ng produkto sa tinakdang presyo ng ekilibriyo ng pamilihan.
Sa istrakturang ito ay may kakayahan na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
ay pamilihang iilan lamang ang nagbibili o nagsusupply ng produkto o serbisyo.
example: airlines, automobile manufacturers, steel producers, and petrochemical and pharmaceutical companies.
ang pamilihan ay kakikitaan ng mga produktong magkakapareho o homogenous.
ang ipinagbibili sa pamilihan ay yaong mga produktong magkakatulad nga sa uri ngunit magkakaiba naman sa wangis o yaong tinatawag na differentiated products.
mahalaga ang pag-aanunsiyo
magkakaparehong produkto
may mekanismo sa paghadlang sa pagpasok sa industriya
kompetisyon o sabwatan
iilan lamang ang nagbibili o supplier
Maaaring uriin ang mga oligopolista batay sa estratehiyang kanilang ginagamit. Sila ay maaaring magsabwatan o manatiling nag-iisa. Kapag nagsasagawa sila ng pagsasabwatan o collusion, maaari silang kumilos na parang lisang kompanya.
IMPERFECT COLLUSION- ang mga oligopolista ay magkakasundo sa presyo at antas ng output ngunit walang pormal na usapan. Kapag ang sabwatan ay idinaan ng mga oligopolista sa pormal na usapan at kasunduan, nagkakaroon na ng ganap na sabwatan Perfect Collusion na maaaring lumikha ng centralized cartel at market-sharing cartel.
Sa kabilang dako, maaari din namang magkaroon ng kompetisyon ang mga oligopolista sa pamamagitan ng tunggalian sa presyo o Price War. Magbababa ng presyo ang isa kahit pa ang maging kapalit nito ay ang pagbaba rin ng kaniyang magiging tubo. Ang ibang oligopolista naman ay maaaring magpalakas sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda tulad ng pag-aanunsiyo na ang sasadyaing epekto ay ang pagpapakilala na gang kanilang produkto ay mas mainam kahit pa magkapareho sa uri sa iba pang kalaban. Ito ang pagpapaigting nila ng tatak ng kanilang produkto o Brand Name.
Ang sabwatan o kompetisyon sa isang pamilihang oligopoly ay mas madaling maisagawa kapag dalawa lamang ang prodyuser o supplier. Ito ang tinatawag na duopoly na may dalawang anyo. Ang una ay tinatawag na Cournot Duopoly, ipinangalan sa bumuo ng pag-aaral na ito na si Augustin Cournot, isang matematiko at ekonomistang Pranses.
Nagaganap ito kapag ang dalawang oligopolista ay may kompetisyon sa lebel ng supply. Mas maraming naidudulot na supply, mas nananaig sa pamilihan. Ang ikalawang anyo ay tinatawag na Bertrand Duopoly. Ipinangalan kay Joseph Louis Francois Bertrand, kilalang matematiko na isa ring Pranses.
Ang kompetisyon sa anyong ito ay nakabatay sa presyo. Ang kakayahang makapagdulot ng produkto o serbisyo sa mas mababang presyo ay katumbas din ng mas maraming mamimili.
Ang tubo o profit ay maaaring hangarin ng mga oligopolista ay normal kung ang mga oligopolista ay may kompetisyon sa isa't isa. Samantala, supernormal profit naman kung tawagin ang tubo sa oras na isagawa nila ang collusion at makalikha na ng kartel.
katawagan sa presyo kung saan ang mga oligopolista ay may kompetisyon kung kaya wala silang magawa kundi manatili sa umiiral na presyo sa pamilihan.
katawagan sa presyo kapag ang mga oligopolista ay may sabwatan, kaya ang presyo ay mabilis mapataas at ang mamimili ay walang magagawa kundi tanggapin ito
ay pamilihang iisa lamang ang nagtitinda o taga-supply ng produktong mahalagang mahalaga pangangailangan.
Mauuri ito bilang pure monopoly kapag ang ipinagbibiling produkto ay unique o wala halos pamalit o substitute.
Sa pamilihang ito, ang naimbentong produkto o teknolohiya o kathang sining na nalikha ay pinangangalagaan ng batas sa pamamagitan ng patent o copyright kaya hindi maaaring magaya o maipagbili ng iba.
example: ang mga konsyumer ay uhaw na uhaw na at kailangan ng tubig at isa lamang ang nag titinda ng tubig sa mataas na halaga kaya napipilitan ang mga konsyumer na bilin ito.
iisa lamang ang nag titinda
walang direktang kapalit
ang produkto ay lubhang mahalaga
may kakayahang hadlangan ang kalaban
examples: Public utilities: gas, electric, water, cable TV, and local telephone service companies
pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang imbensiyon pang mapagbawalan ang iba na gamitin, gayahin, ibenta, langkat, o iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye tungkol sa kaniyang imbensiyon
uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatan ng isang tao na ekslusibong magmay-ari ng kaniyang may akdang pampanitikan o pansining.
Ang produkto ay unique o wala halos pamalit
May Mekanismo sa paghadlang sa pagpasok sa industriya
Monopolista ang kumakatawan sa mismong industriya
Isa lamang ang nagbibili o supplier
Ang negosyante ay price maker
Ang ilang katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon at pamilihang monopolyo ay makikita sa pamilihang monopolistikong kompetisyon. Ang mga nagtitinda o prodyuser ay may kakayahang magtakda ng presyo batay sa gastusin sa produksiyon. Monopolyo ang turing sa kanilang produktong nilikha o inimbento a may kakanyahang naliba sa mga kauri nito.
Mahalaga sa estrukturang ito ang paggamit ng promotional gimmick o pag-aanunsiyo upang maakit ang mga konsumer na tangkilikin ang kanilang produkto.
Tulad sa pamilihang oligopolyo, mahalagang maitatak nila sa mga konsumer ang kanilang brand name. Dahil sa maraming kahalili ang mga produkto sa anyong ito, mahalagang maipakita ang kaibahan nito sa pamamagitan ng mga pakete, kulay, disenyo, at tatak.
Pag-uuri sa Pamilihan Batay sa Dami ng Bumibili
Ang salitang monopsonyo ay galing sa dalawang salitang Griyego na "monos" na nangangahulugang isa (single), at "opsonia” na ang kahulugan ay pagbili (purchase). Ito ay tumutukoy sa pamilihang iisa ang bumibili ng produkto at serbisyo.
ay pamilihan ng iilang mamimili. Sa estrukturang ito, may pagkakataon ang mga mamimili na kontrolin ang gawi ng mga tindera o prodyuser hanggang sa makontrol na rin nila ang antas ng presyo.
Ang mga kompanyang ito ay may kakayahang mapababa ang presyo ng tabako lalo na kung magsasagawa sila ng sabwatan o collusion.
Ang industriya ng fast-food ay isang magandang halimbawa nito. Ang isang maliit na bilang ng malalaking mamimili kabilang ang McDonald's, Burger King, at Wendy's ay bumibili ng malaking halaga ng karne na ginawa ng mga Amerikanong rancher. Iyon ay nagbibigay sa industriya ng kakayahang magdikta ng presyo na handa nilang bayaran.
THANK YOU! NOW CLICK THE "CHECK WHAT YOU'VE LEARNED" AND ANSWER IT NOW!