"Ayon kay Lionel Robbins, Ekonomistang Ingles, ang ekonomiks ay agham na sumusuri sa kilos o gawi ng tao."
Noong umiiral pa ang COVID, naranasan mo ba na maubusan ng mga pangangailangan kapag bumibili ka sa mga grocery stores o supermarkets?
Tumutukoy sa pansamantala o panandaliang limitasyon sa mga binibiling produkto sa pamilihan, ito din ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga pangangailangan, ito man ay sa pang-araw-araw na pangangailangan o sa likas na yaman.
Kadalasan, sinasadya ang kakulangan sa pamilihan, mayroong ibang nagtitinda o prodyuser na nagtatago ng supply nila.
Ang pagtatago o pag-ipit ng isang tindera o prodyuser ng kanilang paninda para sa aasahang kakailanganin ito at tataas ang presyo.
Halimbawa: Noon, hindi pa masyado ginagamit ang face mask at ginagamit lamang ito sa mga ospital, nung nagkaroon na ng COVID, nilabas na ng mga negosyante ang mga face masks, kaso mataas ang presyo.
Nangyayari din ito dahil ang mga ginagawa ng ibang negosyante ay mamanipulahin nila ang supply ng mga produkto para ang presyo nito ay tumaas sa pamilihan. Kapag kakaunti nalang ang supply at kailangan na talaga ito ng mga mamimili, nilalabas na ng mga negosyante ang supply.
Dahil kinakailangan na ito, bibilhin na agad ito ng mga tao, kahit itaas pa yung presyo, bibilhin pa rin nila, ang gawain na Hoarding ay pinagbabawalan, pero madalas pa rin ito gawin.
Kakulangan (Shortage) rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Panic Buying. Sa mga sitwasyon at panahon na pinangangambahang maubusan ang mga pangunahing produkto bunga ng isang kalamidad o kaguluhan, higit pa ang mga pinamimili ng mga mamimili.
Ang resulta ay nauubusan rin ang iba ng mga kailangan nilang gamit kasi mas nauuna ang iba bumili, kaya nagkakaroon ng kakulangan (Shortage).
Ito ay tumutukoy sa limitasyon o hangganan na mayroon ang lahat ng pinagkukunang yaman. Ang Kakapusan ay laging umiiral sa isang ekonomiya, at hindi ito maari malulutas ng madalian lamang, at kailangan ito harapin ng maayos.
Ang hindi wastong paggamit ng pinagkukunan ng yaman ay makikita sa mga yamang pisikat katulad ng mga estruktura, ang mga ito ay nasisira o naluluma na tinatawag na Depresasyon.
Tinatawag din na wear and tear ng yamang pisikal; ito ang pagbaba ng halaga bunga ng pagkasira o pagkaluma, gamitin man ito o hindi.
"Sino nga ba ang itinuturing na yamang tao?"