Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto serbisyo na nais at kayang ipagbili itinda ng nagtitinda o prodyuser sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ang equation na ito ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variable: ang P na kumakatawan sa presyo at nagsisilbing independent variable at ang Qs na kumakatawan sa quantity supplied o bilang ng nais at kayang ipagbili, na siya namang nagsisilbing dependent variable.
Isa itong talaan na nagpapakita ng bilang o dami ng produkto na kaya at handang ipagbili (Qs) ng mga prodyuser sa iba't ibang presyo (P)
Ito ang graph na nagpapakita ng positibo o tuwirang ugnayan ng y-axis na kumakatawan sa variable na P at ng x-axis na kumakatawan sa variable na Qs. Mailalarawan ang kurba ng deamand bilang upward sloping na ang galaw ay mula sa kaliwa tungong kanan pataas.
Bago matuos ang bilang ng supply sa bawat antas o lebel ng presyo, mahalagang komputin muna ang function na magsisilbing formula sa pagtutuos.
Qs1 - Qs2 / P1 - P2
Qs = f (P) - nangangahulugang quantity supplied is only a function of price; maaari ding sabihing quantity supplied is afftected by price.
STEP 1: PAGKOMPUT SA SUPPLY FUNCTION:
0-33 / 2-5
= -33/ -3
= 11
Ituring na unknown ang Qs at P;
11 = Qs1 -33 / P1 - 5
11 (P1-5) = Qs1 -33
11 P1 - 55 + 33 = Qs1
11 P1 - 22 = Qs1
Qs = -22 + 11P
Ito ang supply function kapag inayos sa konsepto ng Qs - f (P)
Kapag Qs naman ang kinokomput, i-substitute lamang ang given na P sa lebel ng puntong tinutuos at sundin ang operation ng supply function.
Halimbawa sa punto D, ang solusyon ay:
Qs = -22 + 11 (10)
= -22 + 110
Qs = 88
STEP 2: PAGKOMPUT SA HYPOTHETICAL SUPPLY SCHEDULE
0-33 / 2-5
= -33/ -3
= 11
Kapag P o presyo ang kinokomput, i-add ang asolute value ng Qs sa function at ng Qs sa schedule sa lebel o punto na tinutuos at pagkatapos ay i-divide sa P na nasa function.
Halimbawa: Sa punto C, sa pagkomput ng P na 7, ang solusyon ay:
22 + 55 = 77 / 11 = 7
Isinasaad ng batas ng supply na may tuwiran o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
Kapag tumaas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Ayon sa batas ng supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay nagdedesisyon na magprodyus ng mga produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan
Kapag presyo lamang ang nakakaapekto sa supply, gumagalaw lamang ito sa iisang kurba. Lumilipat ang kurba ng supply sa sandaling maiimpluwensiyahan na ito ng ibang salik na hindi presyo.
- Pagbabago ng Teknolohiya
- Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon
- Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
- Pagbabago ng Presyo ng Kaugnay na Produkto
- Ekspektasyon ng Presyo
- Subsidiya
- Panahon
Tumataas ang supply kahit walang paggalaw sa presyo kapag:
- Dumami ang nagtitinda ng produkto
- Gumamit ng mataas na lebel ng teknolohiya ang prodyuser
- Bumaba ang gastusin sa produksiyon
- Nagbigay ng subsidiya ang pamahalaan
- Binabaan ng pamahalaan ang sinisingil nitong buwis
- Gumalaw ang presyo ng kaugnay nitong produkto
- Nagin kaaya-aya ang panahon o klima
Bumababa naman ang supply kahit walang paggalaw sa presyo kapag:
- Nabawasan ang natitinda
- Tumaas ang gastusin sa produksyon
- Walang subsidiyang ipinagkaloob ang pamahalaan
- Tinaasan ng pamahalaan ang sinisingil nitong buwis
- Gumalaw ang presyo ng kaugnay sa produksyon
- Hindi umayon ang panahon sa uri ng produktong ipinagbibili
Ang kolektibo o pinagsama-samang supply ng mga nagtitinda o prodyuser sa pamilihan ang tinatawag na market supply. Tinutuos ang datos na ito upang masipat ang supply ng pamilihan sa isang partikular na produkto sa iba't ibang antas ng presyo upang pagkatapos ay maihambing ito sa market demand o kabuoang demand naman ng mga mamimili.
Pagbabago sa Teknolohiya
Karaniwan na ang mga modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksyon
Ang salik na ito ay maihahalintulad rin sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito.
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito.
Halimbawa: ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais.
Ekspektasyon ng Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan
Halimbawa: may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na pinagmumulan ng supply ng bigas
Subsidiya
Ang pamahalaan ay nagbibigay ng tulong lalo na sa malilit na prodyuser sa anyong mababang buwis o pautang na may mababang interes. Ang tawag sa tulong na ito ay subsidiyaKapag ginawa ito ng pamahalaan, madaragdagan ang pamumuhunan at tataas ang produksiyon, na magdudulot naman ng pagtaas ng supply.
Panahon
May mga pangyayari sa produksiyon na epekto ng panahon o kalikasan. Panahon ang sanhi kapag naging marami ang supply ng isang uri ng pananim lalo na kung akma ito sa maramihang ani.
Panahon din ang sanhi kapag halos walang mabili nito sapagkat hindi pa ito akmang anihin. Ang El Niño at La Niña ay mga phenomenal na kaganapan sa kalikasan na sadyang nakaaapekto sa produksiyon.
Ang presyong elastisidad ng supply ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa pagtugon ng mga nagtitinda at prodyuser sa bawat bahagdan ng pagbabago sa presyo.
1. Elastic Demand - (Ed > 1)
2. Inelastic Demand - (Ed < 1)
3. Unitary Elastic Demand - (Ed = 1)
4. Perfectly Elastic Demand - walang batayang theoretical
5. Perfectly Inelastic Demand - walang batayang theoretical
Ang formula sa pagkokomput ng elastisidad ay:
Sa inyong sagutang papel, kompletuhin ang supply schedule sa pamamagitan ng makokomput na supply function. Bumuo ng supply curve kapag nakompleto na ang schedule.
link of computation: