Ang sektor ng paglilingkod (service sector) ang umaalalay sa buong ekonomiya lalo na sa usapin ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo.
Sa sektor ding ito nagmumula ang mahahalagang serbisyo na may kinalaman sa edukasyon, turismo, kalusugan, transportasyon, komunikasyon, pananalapi, at iba pang suportang pangkalakalan.
Ito ay tumutukoy sa mga paglilingkod para sa pansariling kapakinabangan o pribadong kabuhayan. Karaniwan itong may kaakibat na halaga at hindi ibinibigay nang libre.Â
Hindi katulad ng pribadong paglilingkod, ang pampublikong paglilingkod ay ibinibigay sa mga tao nang libre sapagkat ito ay serbisyong kaloob ng pamahalaan. Ito rin ay tinatawag na serbisyong pampubliko.
Ayon sa pag-aaral a isinagawa noong 2020 ng Lobien Realty Group (LG), isa sa pinakamabilis umangat na real estate consultancy company sa Pilipinas sa kasalukuyan, hindi matatawaran ang gampanin ng lohistika o ang pamamahala ng daloy ng mga produkto sa ekonomiya.
Ang sektor ng telekomunikasyon ay mayroon ding malaking kontribusyon sa ekonomiya. Isa itong mahalagang kasangkapan sa pagnenegosyo. Sa tulong nito, napabibilis ang mga transaksiyon, promosyon, daloy ng produkto, at ugnayan ng mga tao.
Ang kalakalan ay tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Ang pakikipagpalitang ito ay naisasagawa gamit ang mga kasanayan sa pakikipag- ugnayan, serbisyong ipinagkakaloob upang matiyak ang pagsunod sa mga alituntunin g pag-aangkat at pagluluwas at serbisyong isinasagawa upang matiyak ang maayos na kalagayan ng mga ipinagbibiling produkto at serbisyo.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng pananalapi lalo na kung ang pag-uusapan ay pinansiyal na kapital sa negosyo. Hindi lahat ng naglalakihang kompanya sa bansa ay may sapat na yamang pinansiyal.
Mahalaga para sa sang ekonomiya ang malusog na manggagawa. Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay susi sa pagiging produktibo. Dahil dito ang sektor ng kalusugan ay mahalagang katuwang ng iba't ibang sektor tulad ng industriya, agrikultura, at anumang sektor kung saan naroon ang mga manggagawa.
Mahalaga ang edukasyon para sa transpormasyon ng lipunan. Nakikita ang malaking kaugnayan ng de-kalidad a edukasyon at kaunlaran. Dahil dito pinagtutuonan ng pamahalaan ang pagpapabuti ng serbisyong pang-edukasyon.
Mga Patakarang Nakatutulong sa Sektor ng Paglilingkod
POLITIKAL
Pantay na Karapatan Para sa Lahat Bilang Mamamayan ng Bansa
Pagtalima sa mga Itinakda at Kaparaanan ng Batas (Due Process)
Pagpapatupad ng Pamantayang Pang-etika Laban sa Korupsiyon, at Iba Pang regularidad sa PamahalaanÂ
EKONOMIKO
Oras ng Paggawa
Karapatan sa Minimum Wage
Presidential Decree 626
Unyon at Collective Bargaining Agreement (CBA)
Presidential Decree 851
PANLIPUNAN
RA No. 1161 (Social Security System) na Sinusugan ng RA
No. 8282 (Social Security Law)
RA No. 8187 (Paternity Leave)
RA No. 11210 (Maternity Leave Benefit)
RA No. 9710 (Magna Carta) of Women
RA No. 7875 (Health Insurance) na Sinusugan ng RA No. 9241 (Establishment of Health Insurance Corporation)
Ito ang
tagapagpatupad ng mahahalagang polisiya at programa na may kaugnayan sa paggawa at empleo.
Ito ang tagapagpatupad at tagaisip ng mga polisiya at programang pang-edukasyon.Â
Ito ang ahensiya na nagpapatupad ng pagbabago sa kurikulum ng tersiyaryang edukasyon nang sa gayon ay tumugma ang edukasyon sa pangangailangan ng mga kompanya at iba pang sektor
Ito ay itinatag upang pagyamanin ang kasanayan sa kursong technical-vocational. Sa kasalukuyan. Ito rin ang ahensiya na nagkakaloob ng National Certificate (NC).
Ito ay nasa ilalim ng pangasiwaan ng DOLE. Ito ay itinatag upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong nais na maghanapbuhay sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga legal na recruitment agency.
Ito ay
kaiba sa POEA sapagkat ito ang nangangasiwa sa mga trabaho
na maaaring aplayan ng nais maging OFW. Ang OWWA rin ang nagbibigay ng benepisyo sa mga OFW at kanilang maliwanang pamilya sa Pilipinas.
tinalaga ito upang pangasiwaan ang sektor pangkalusugan sa bansa. Layunin nitong panatilihin ang mayos at de-kalidad a serbisyong medikal hindi lamang sa panahon ng kalamidad at pandemya kundi sa lahat ng pagkakataon.
Ito ang ahensiya ng pamahalaan na naglulunsad ng iba't bang programa upang palakasin ang turismo ng bansa.
Ito ang nangangasiwa
sa mga pampublikong transportasyon tulad ng Manila Metro Rail Transit System (MRT), Manila Light Rail Transit System
(RT), Philippine National Railways (PNR), at iba pa.
Department of Information
and Communications Technology (DICT)
Ito ang nakatalaga para pangasiwaan ang sistema ng komunikasyon sa bansa.
Ito ang nagkakaloob ng benepisyo at pensiyon sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya na may kompletong kontribusyon.
Ito ang nagkakaloob ng mga benepisyo at pension sa mga empleyado ng mga pampublikong kompanya a may kompletong kontribusyon.