Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbiso na gusto ay kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ang equation na ito ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variable:
ang P na kumakatawan sa presyo at nagsisilbing independent variable at ang Qd naman na kumakatawan sa quantity demanded o bilang ng nais at kayang bilhin, na siya namang nagsisilbing dependent variable.
Samakatawid, sa matematikal na paglalarawan: Qd = f (P) ceteris paribus
Isa itong talaan na nagpapakita ng bilang o dami ng produkto na kaya at handang bilhin (Qd) ng mga mamimili sa iba't ibang presyo.
Ito ang graph na nagpapakita ng negatibo o di-tuwirang ugnayan ng y-axis na kumakatawan sa variable na P, at x-axis na kumakatawan sa variable na Qd.
Bago matuos ang bilang ng demand sa bawat antas o lebel ng presyo, mahalagang komputin muna ang function na magsisilbing formula sa pagtutuos.
Qd1 - Qd2, / P1 - P2
Qd = f (P) ceteris paribus - nangangahulugang quantity demanded is only a funtion of price.
STEP 1: PAGKOMPUT SA DEMAND FUNCTION:
Qd1 = 170 Qd2 = 140
P1 = 6 P2 = 8
Maaaring makuha ang demand function sa ganitong paraan:
170-140 / 6-8
30/ -2
= -15
Ituring na unknown ang Qd at P;
-15 = Qd1 - Qd2 / P1 - P2
-15 = Qd1 - 140 / P1 - 8
-15 (P1-8) = Qd1 - 140
-15P1 + 120 = Qd1 - 140
-15P1 + 120 + 140 = Qd1
-15P1 + 260 = Qd1
Qd = 260 -15P
Ito ang demand function kapag inayos sa konsepto ng Qd = f (P)
Kapag Qd naman ang kinokomput, i-substitute lamang ang P na nasa schedule sa lebel o punto na kinokomput at sundin ang operation ng demand function.
Halimbawa: para sa punto D, ang solusyon sa pagkomput ng Qd na 95 ay:
Qd = 260 - 15 (11)
= 260 - 165
Qd = 95
STEP 2: PAGKOMPUT SA DEMAND SCHEDULE GAMIT ANG NA-DERIVE NA DEMAND FUNCTION BILANG FORMULA:
Kapag P o presyo ang kinkomput, i-subtract an Qd sa function at ang Qd sa schedule sa lebel o punto na tinutuos at pagkatapos ay i-divide sa P na nasa function.
Halimbawa: Para sa punto C, sa pagkomput ng P na 9, ang solusyon ay:
260 - 125 = 135 / 15 = 9
STEP 3: PAGLALAPAT NG DATOS MULA SA DEMAND SCHEDULE UPANG MAKABUO NG DEMAND CURVE
Ilalapat ang datos ng P (presyo) sa y-axis o vertical axis at ang datos naman ng Qd (quantity demanded) sa x-axis o horizontal axis.
Isinasaad ng batas ng demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo or quantity demanded.
Kapag presyo lamang ang usapin, gumagalaw lamang sa iisang kurba ang demand (movement along the curve).
Ilalarawan lamang nito ang isinasaad ng batas ng demand. Ang download sloping nitong anyo ay bunga ng negatibo o di-tuwirang ugnayan ng y-axis at x-axis.
Tumataas ang demand kahit hindi nagbabago ang presyo kapag:
- Tumaas ang kita
- Lumaki ang populasyon
- Nagustuhan ng tao ang produkto
- May okasyon
- Bumaba ang presyo ng kabagay nitong produkto
- Tumaas ang presyo ng kahalili nitong prdukto
- May inaasahang kalamidad o pagtaas ng presyo ang tao
Bumababa ang demand kahit hindi nagbabago ang presyo kapag:
- Bumaba ang kita
- Lumiit ang populasyon
- Hindi nagustuhan ng tao ang produkto
- Wala nang okasyon
- Tumaas ang presyo ng kagabay nitong produkto
- Bumaba ang presyo ng kahalili nitong produkto
- May inaasahan o ekspektasyon
Ang market demand ay ang pinagsama-samang demand na mga mamimili. Kung susuriin, mahihinuhang may mga mamimili na sadyang tumutugon sa galaw ng presyo at mayroon naman nagpapaimpluwensiya sa mga tinatawag na nonprice factors.
- Panlasa
- Kita
- Presyo ng Kahalili o Kaugnay na Produkto
- Bilang ng Mamimili
- Inaasahan ng Mamimili
- Okasyon
Panlasa
Ang pagbabago ng panlasa ng mga mamimili ay may epekto sa kanilang demand. Ang mga bagong produkto ay nakaaapekto sa panlasa ng mga mamimili.
Halimbawa: mas maraming kabataan ang bibili ng burger at fries sa halip na mga kakanin.
Kita
Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng mga produkto. Ang pagbaba naman ng kita ay magbubunsod naman ng pagbaba ng demand para sa karamihan sa mga produkto.
Halimbawa: Sa Pilipinas, mas maraming Pilipino ang bibili ng lechon o kakain sa mga fastfood restaurant kapag tumaas ang kanilang kita.
Presyo sa Kahalili o Kaugnay ng Produkto
May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay (compliment) na produkto. Ang kahaliling produkto ay yaong maaaring gamitin kapalit ng isang produkto.
Halimbawa: Ang karne ng manok ay maaaring halili sa karne ng baboy, kaya kapag tumaas ang presyo ng karne ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng manok.
Bilang ng Mamimili
Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon.
Inaasahan ng mga Mamimili
Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap dahil sa iba't ibang dahilan. daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan.
Halimbawa: Nabalitaan ng isang manggagawang gumagamit ng sariling sasakyan sa pagpasok ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na araw.
Okasyon
Sadyang may mga produkto o serbisyong nagiging mabili kasabay ng ilang okasyon upang pagkatapos ay bumababa rin ang demand bumabalik sa normal kapag natapos na ang okasyon.
Elastisidad - Ang elastisidad ay matematikal na konseptong ginagamit upang sukatin ang pagtugon ng isang variable kapag nagbago ang isa pang variable.
Batayan sa Uri ng Elastisidad
1. Elastic Demand - (Ed > 1)
2. Inelastic Demand - (Ed < 1)
3. Unitary Elastic Demand - (Ed = 1)
4. Perfectly Elastic Demand - walang batayang theoretical
5. Perfectly Inelastic Demand - walang batayang theoretical
Ang formula sa pagkokomput ng elastisidad ay:
Kompletuhin ang hypothetical na demand schedule sa pamamagitan ng makokomput na demand function. Bumuo ng demand curve kapag nakumpleto na ang demand schedule.
link of computation: