-Ang salapi o pera ay anumang bagay na ginagamit bilang instrumento ng palitan o medium of exchange. Ito ang nagsisilbing pamantayan ng halaga ny mga kalakal o serbisyo.
Iba't Ibang Sistema ng Pagbabayad
-Ito ang paraan ng pakikipagkalakalan bago pa man maimbento ang salapi. Ang kalakaran o pamantayan ng palitan ay produkto sa produkto o serbisyo sa serbisyo.
-Produktong Salapi o Commodity Money ay salapi ang anumang bagay na ginagamit bilang instrumento ng palitan. Sa sistemang ito ay tila barter din ang nagaganap. Ang kaibahan nga lamang ay tukoy ang mga produkto na maaring hatiin ang mga kalakal na maaring maipamalit.
-Kilala rin bilang Automated Payment SystemIto ang kasalukuyang umiiral na sistema ng pagbabayad. Gumagamit ng computer at network connection para maisagawa ang transaksiyon ng pagbili o pagpapautang kahit hindi personal na nagkakaharap ang bumibili at nagbibili o ang bumibili at nagpapautang sa kaniya.
-Sistema o Pamantayang Papel, maliit man ang mga barya, metal pa rin ito. Sa paglimbag ng salapi gamit ang espesyal na uri ng papel, mas napadali at napagaan lalo ang pagdadala ng salapi at ang sistema ng pagbabayad.
-Sistemang Pagmomoneda (Coinage System) - Coinage o pagmomoneda (monetization) ang paglikha ng baryang salapi sa pamamagitan ng pagtunaw at pagpino ng metal. Tanso o bronze ang unang metal na ginamit upang pawing barya
-tinatawag din tong sistemang mala-bangko. Ito ang isa sa mga naglatag ng pundasyon sa isa sa mga gawain ng mga bangko sa kasalukuyan: ang pagpapautang o kredito.
-Ang bank draft o tseke (cheque) ay itinuturing din na anyo ng salapi. Isa itong dokumento na tila resibo ang pagkakagawa. Maaari tong ipambayad sa pagbili o pag-utang.
Mga Teorya Ukol sa Halaga ng Salapi
-Ang teoryang ito ay nagsasaad ng kaugnayan ng demand sa salapi sa pangunahing gamit nito na instrumento upang makabili. Tinatalakay nito na ang demand ng tao sa pera ay nakabatay sa kaniyang kita at nakasabay rin sa pagbabago ng halaga nito.
-Nagsasaad na ang kasalukuyang supply ng salapi ay hindi maaring maapektuhan ng pagnanais ng tao na hindi bumili. Ang mahalaga ay ang paggamit ng salaping nakatabi sa pagbili ng paninda at serbisyo.
-Isinasaad nito na ang halaga ng salapi ay naaapektuhan ng demand para dito at ng supply nito. Kung marami ang salapi sa sirkulasyon at kakaunti ang panindang mabibili, tataas ang presyo at bababa ang halaga ng salapi.
-Isinasaad nito na ang kabuoang halaga ng disposable income ng sambahayan ay katumbas dapat ng halaga ng kabuoang benta ng mga bahay-kalakal.
-Ang pamumuhunan ay ang pagdaragdag ng kapital upang mapalago ang produksiyon. Mahalaga ang gawaing ito upang mapataas din ang pangkalahatang output o produksiyon. Hinihikayat ang pag-iimpok sa mga institusyong pananalapi tulad ng bangko upang magkaroon ng pondong maaaring maipahiram sa mga negosyante o prodyuser sa pagpapalago g kanilang negosyo.
-Kung Y=C+S, dapat din na S=I. Ito ay nangangahulugan lamang na kung ang kita ay 1,000,000 at ang pagkonsumo ay 700,000, ang S ay 300,000. Ang halagang 300,000 ay dapat na naideposito sa bangko upang ito ay maipahiram sa anyo ng pamumuhunan. Kaya, maaari ding sabihing Y = C+ I. Sa ganitong paraan, natatamo rin ang ekilibriyo sa ekonomiya.
Bangko
-Ang salitang bangko ay galing sa wikang Pranses na "banque" at sa wikang Italyano na "banca" na parehong nangangahulugan mesa, table, o bench.
-Ang unang mga tinawag na bangko sa daigdig ay nasumpungan sa panahon ng mga Imperyong Assyria, India, at Sumeria. Hindi salapi ang kanilang pinahihiram kundi mga binhi, butil, o grains ang nagsisilbing pamantayan ng halaga ny mga kalakal o serbisyo.
-Sa Pilipinas, naitatag ang unang bangko noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito ay ang El Banco Español-Filipino de Isabela II na una ring naglimbag ng salaping papel ng bansa na tinawag namang pesos fuertes.
• Bangkong Komersyal - Pinakamalaking uri ng bangko na may kakayanang magsagawa ng universal o unbanking
• Bangkong Pagtitipid - Pinakamarami sa lahat ng uri ng bangko. Mas mallit ang kakayahan at puhunan kaysa sa bangkong komersyal
• Espesyal na Bangko - Mga bangkong may natatanging gampanin:
• Bangko Rural - Pinakamalit na uri ng bangko sa aspekto ng puhunang taglay at kapasidad sa pagpapautang. Malaki ang naitutulong ng mga rural na bangko sa mga magsasaka at negosyante at sa mga lokal na mamamayan ng bayan kung saan ito kabilang.
-Sa bisa ng Saligang Batas ng 1987, nilagdaan ni dating pangulong Fidel V. Ramos noon Hunyo 14, 1993 ang Batas Republika Blg. 7653 na kilala bilang New Central Bank Act.
-Naipatupad ang batas noong Hulyo 3 ng parehong taon.
-Ang batas na ito ang nagtatatag ng isang malayang institusyon na may awtonomiya at kapangyarihang manguna sa sektor ng pananalapi na ang pangunahing layunin ay mapatatag ang presyuhan sa ekonomiya.
Iniatas sa BPS ang sumusunod na gampanin:
-Tinatawag ang BSP na "Bangko ng mga Bangko." Sa halip na tumanggap at magpautang sa mga pribadong indibidwal o negosyo, pinangangasiwaan nito ang lahat ng salaping hawak ng mga bangko.
-Ang mga tsekeng inilalagak sa mga bangko ay ipinadadala sa BSP upang malinaw at aprobahan at saka ibinabalik sa bangkong pinanggalingan.
-Ang BSP ay mayroong reserbang internasyonal na ginto at dolyar upang mapangalagaan ang pananalapi ng bansa at ang halaga nito sa palitan.
-Ito ang pinaglalagakan ng pondong publiko at nagsasaayos din ng kredito ng pamahalaan.
-Ang BSP lamang ang inatasan ng pamahalaan na magmoneda o maglimbag ng salapi.
-Ang patakaran sa pananalapi o monetary policy ay tumutukoy sa pagkontrol sa supply ng salapi na umiikot sa sirkulasyon at layong mapatatag ang halaga ng salapi at ang presyuhan sa pamilihan.
Uri ng Patakaran sa Pananalapi
-Pinadadali ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng money supply na umiikot sa sirkulasyon.
-Layon nitong pasiglahin ang demand, na maaaring magpataas sa lebel ng implasyon.
-Hinihigpitan ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapababa sa lebel ng money supply na umiikot sa sirkulasyon.
-Layon nitong makontrol ang paglala ng implasyon bunga ng mataas na demand. Hinihikayat din sa pagpapatupad nito ang pag-impok ng salapi.