Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na essenstials of economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay natatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at mga prodyuser naman ay nakakapag benta ng kanilang produkto. Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto o serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinag kasunduan.
HAKBANG SA PAGTUTUOS
1.SA PAMAMAGITAN NG TALAAN O ISKEDYUL NG DEMAND AT SUPPLY
Pareho pa rin ang pamamaraan ngunit pagsasamahin lamang sa kombinasyon ng demand at supply schedule na ito ang dalawang datos. (CHECK SUBPAGE FOR THE COMPUTATIONS)
2. SA PAMAMAGITAN NG FUNCTION-TO-FUNCTION COMPUTATION
Makokomput at mailalahad ang presyong ekilibriyo at ekilibriyong dami sa pamamagitan ng paggamit ng demand function at supply function. (CHECK THE SUBPAGE FOR THE COMPUTATIONS)
3. SA PAMAMAGITAN NG GRAPH
Natutuhan mo na ang kurba ng demand ay downward sloping at ang kurba ng supply ay upward sloping. Ito ay bunsod ng reaksiyon ng dalawa sa galaw ng presyo. Kapag inilapat ang kombinasyon ng schedule ng demand at supply, ilalagay pa rin sa -axis ang datos ng presyo at ang lahat naman ng quantity demanded at quantity supplied sa x-axis.
Ang Price Act ay naisabatas noong Mayo 27, 1992 na may layuning masiguro na may sapat na supply ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan sa presyong hindi lumalagpas sa nararapat, upang maproteksiyonan ang mamimili laban sa mga nagtitinda o prodyuser na sobra kung magpresyo. Sa kabilang dako, habang sinisiguro ang proteksiyon sa mga mamimili, tinitiyak din naman a hindi maaagrabyado ang prodyuser sa kanilang pamumuhunan.
Sa pangkalahatan, ang batas na ito ay pinatutupad upang mabigyan ng priyoridad ng estado ang pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong lalo na sa maliliit na magsasaka.
Mula sa isinasaad na karapatan ng mga mamimili sa Konstitusyon na sinusugan ng Price Act, ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan ay nagsimulang magpalabas ng mga mungkahing presyo sa tingiang pagbibili o mas kilala bilang suggested retail price.
Department of Agriculture
-para sa mga produktong agrikultural lalo na ng karneng manok at baboy
Department of Health
-para sa mga ibinebentang medisina
Department of Trade and Industry
-punong ahensiya na sisigurong maipatutupad ang listahan ng pagpepresyo.
Para sa mas malawak na kaalaman at computations: