Pangunahing Tanong:
Paano nakaaapekto ang impormal na sektor sa pangkalahatang lagay ng ekonomiya?
Pagpapahalaga
Para palawakin at pagtibayin ang sariling kaalaman at kasanayan sa tulong ng wastong edukasyon at pagsasanay upang magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.
Upang mapagtagumpayan ang mga hamong dala ng kahirapan, mahinang ekonomiya, kawalan ng pantay na oportunidad sa trabaho, at iba pang mga suliranin
Ang impormal na sektor ng ekonomiya ay kilala rin sa tawag na underground economy. Ang mga negosyo at kalakalang nakapaloob sa sektor na ito ay wala sa opisyal na tala (unrecorded) ng pamahalaan. Dahil hindi ito nasasaklawan ng mga legal na proseso ng kalakalan o pagnenegosyo, malaya ang mga namumuhunan sa sektor na ito na hindi magdeklara ng kita o magbayad ng anumang buwis. Hindi kasama ang impormal na sektor sa mga pinagmumulan ng kita ng pamahalaan.
Mga Katangian ng Impormal na Sektor
Sinumang indibidwal o manggagawa ay madaling maging bahagi ng impormal na sektor dahil wala namang mga proseso o kahingian (requirements) na dapat sundin.
Hindi katulad ng mga nasa pormal na sektor, walang kaukulang papel o dokumento ang mga negosyong naipatatayo sa impormal na sektor. Wala ang mga ito sa opisyal na talaan ng pamahalaan dahil hindi dumaan sa proseso ng pagrerehistro ng negosyo.
Walang seguridad sa trabaho dahil hindi ito nasasaklawan ng mga batas at alituntuning nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa.
Hindi ito katatagpuan ng matibay na relasyong industriyal.
Dahil walang sinusunod na pamantayan at regulasyon, walang kasiguraduhan na may matatag na relasyon sa pagitan ng isang manggagawa at nagmamay-ari ng negosyo.
Karaniwang small scale enterprises lamang ang mga naipatatayo at walang maaayos at organisadong sistema.
Bagaman kumikita ang mga manggagawa o negosyante sa impormal na sektor, malaya silang hindi nakapagbabayad ng buwis dahil wala sila sa balangkas o sistema ng pagbabayad ng buwis na inilatag ng pamahalaan.
Mga Sanhi ng Impormal na Sektor
Mga Positibong Epekto ng Impormal na Sektor
Napupunuan ng impormal na sektor ang kakulangan ng serbisyo at small-scale manufacturing na pangangailangan ng populasyon.
Nagkakaloob ito ng hanapbuhay para sa mga hindi makakuha ng regular na trabaho, mga walang sapat na edukasyon, kulang ang kasanayan, at nangangailangan pa ng dagdag na kita.
Mga Negatibong Epekto ng Impormal na Sektor
Nalilimitahan nito ang kakayahan ng pamahalaan na lumikom o magkaroon ng karagdagang kita o buwis dahil sa hindi pagrerehistro ng mga negosyo.
Nalilimitahan nito ang kakayahan ng pamahalaan na lumikom o magkaroon ng karagdagang kita o buwis dahil sa hindi pagrerehistro ng mga negosyo.
Hindi nabibigyan ng sapat na seguridad ang mga manggagawa. Karaniwang walang kontribusyon sa Social Security System (SSS) o kaya naman insurance ang mga manggagawa sa impormal na sektor kaya wala silang maaaring asahan na benepisyo o kabayaran sa oras ng kagipitan, pagkakasakit, at pagreretiro.
Mga Batas Pang Agrikultura
Nakasaad sa batas na layunin ng pambansang ekonomiya ang pantay na pamamahagi ng oportunidad, kita, at kapakinabangang pang-ekonomiko sa mga tao. Ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan ang nakikitang paraan upang maiangat ang kalidad ng buhay lalo na ng mahihirap. Nakikita rin ito bilang susi sa industriyalisasyon at pagpapabuti ng empleo sa bansa.
Pinagtibay ito noong Hunyo 4, 1992 upang isulong ang kapakanan at pag-unlad ng maliliit na magsasaka. Nakasaad sa batas na priyoridad o pangunahing tungkulin ng estado ang pagpapaunlad ng agrikultura at kasama rito ang pagpapalakas sa maliliit na magsasaka. Nakasaad rito ang pamamahagi ng mga benepisyo at pantay na oportunidad sa mga magsasaka.
Mga Batas Para sa Malit at Katamtamang Negosyo
Nakasaad pa rin dito na bahagi ng polisiya ng Estado ang pagtataguyod ng pambansang kaunlaran at pagtugon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtatatag ng maliliit na negosyo. Layunin din nitong patatagin ang dati nang naitatag na Micro, Small and Medium Enterprise Development (MSMED) Council.
Nakasaad rito na bahagi ng polisiya ng Estado ang pagtataguyod, panghihikayat, pagsuporta, at pagpapalakas ng micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa lahat ng sektor ng ekonomiya lalo na ang rural at agri-based enterprises. Nakikita ang kahalagahan o kontribusyon ng MSMEs sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapatatag ng pundasyon ng industriyalisasyon.
Mga Batas Pang Industriya, Kalusugan, at Pang Pamilya
Layunin nitong magbigay ng proteksiyon sa kabataan laban sa child trafficking, prostitution, at child labor.
Itinataguyod nito ang pagpapatatag ng bawat pamilya bilang pundasyon ng lipunang Pilipino sa pamamagitan ng wastong pagpaplano ng pamilya (family planning). Sa pamamagitan nito, makaiiwas ang mag-asawa sa pagkakaroon ng napakaraming anak na nagiging dahilan ng matinding kahirapan.
Baon Kaalaman
Ang paglaganap ng impormal na sektor ay sumasalamin sa kalidad ng buhay na mayroon ang isang bansa. Dahil dito, kailangang pagtuonan ng pamahalaan ang pagpapabuti ng ekonomiya na magbibigay sa lahat ng tao ng pantay na oportunidad na makapagtrabaho o makapaghanapbuhay nang maayos. Kinakailangan ding palawakin ng pamahalaan ang pagkakaloob ng oportunidad sa mga tao sa larangan ng edukasyon at pagsasanay. Kailangang tulungan ang mahihirap na manggagawa na makatawid mula sa impormal na sektor patungo sa pormal na sektor ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang kalipikasyon.
SANA AY MAY NATUTUNAN KA