PAGKONSUMO
Tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo upang matugnan ang pangangailangan o kagustuhan upang magtamo ng kasiyahan o pakinabang.
pag bili at pag-gamit ng produkto para sa pangangailangan o kagustuhan
WHENEVER YOU ARE STUDYING OR REVIEWING, DO NOT LISTEN TO MUSIC WITH LYRICS
URI NG PAGKOSUMO
TUWIRAN O DIREKTA
Pagkonsumong nakapagbibigay ng agarang kasiyahan o pakinabang.
Halimbawa: Pagbili ng Pagkain o Inumin
one on one or harapan, direct
PRODUKTIBO
Halimbawa: sangkap na ginagamit sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na maaring gamitin upang makalikha pa ng panibagong pakinabang o kasiyahan produksiyon.
pag bili para sa sariling kapakanan
may naghihikayat sayo para bilhin ito
Mapanganib o Mapaminsala
Pagbili ng mga produkto na hindi nakabubuti sa kalusugan o kaligtasan ng sarili o ng iba.
Halimbawa: pagbili ng sigarilyo at alak
pag bili ng agay na hindi nakaka-buti para sa sarili o iba
MAAKSAYA
Pagbili ng mga produkto o kalakal na hindi naman nakapagbibigay ng pakinabang o kasiyahan.
Halimbawa: Mga bagay na binibili nang sobra at pagkatapos ay naitatapon lamang.
pag bili ng produkto na hindi mapapakinabangan
ANYO NG PAG KONSUMO
INDUCED CONSUMPTION
-Ito ay isang konsepto sa ekonomiks na tumutukoy sa bahagi ng kita ng isang tao o household na ginagamit para sa pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. Ang konsumong ito ay tinatawag na "induced" dahil ito ay naaapektuhan ng pagbabago sa kita ng isang tao.
-Ayon kay John Maynard Keynes sa kaniyang Theory on Consumption Function, ang pagkonsumo ng tao ay nakabatay sa antas ng kaniyang kasalukuyang tinatanggap na kita.
-Ang konsepto na ito ay pinalawig ng mga ekonomistang sina Franco Modigliani at Milton Friedman, sa kanilang teorya na hindi lamag ang kasalukuyang kita ang maaring magtakda ng pagkonsumo kundi pati na rin ang mga inaasahang kita ng tao na matatangap sa hinaharap.
-Ayon naman sa Engle’s Law of Consumption na binuo ni Ernst Engel, ekonomistang Aleman, habang tumataas ang kita ng isang tao, bumababa naman ang bahagdan na ginugugol nito para sa kaniyang pangangailangan at tumataas ang bahagdan na ginugugol nito para sa kaniyang luho.
tumutukoy sa bahagi ng kita na isang tao na ginagamit para sa pagkonsumo sa kalakal at serbisyo
AUTONOMOUS CONSUMPTION
-Ang "autonomous consumption" ay isang konsepto sa ekonomiks na tumutukoy sa halagang regular na iniuukit ng mga tao o household para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan kahit sa anong lebel ng kita.
mga agay na kailangan talagang bilhin para sa pang araw-araw kahit kulang sa pera
Ari-ariang taglay na maaring maisanla o gawing collateral
ang ilang mangggawa ay bumabale o nanghihingi ng advance pay sa kanilang mga amo o employer para agarang matugunan ang pangunahing pangangailangan.
Inaasahang kita na magbubunsod na mangutang sa kasalukuyang upang magamit sa pagbili ng kailangan
- Binabawasan niya ang ilang mga nakasanayang kinokonsumo at magsagawa ng tinatawag na downsizing
- Mga salaping naipoPaghingi o paglimos na siyang ginagawa kapag sukdulan na ang kahirapan
- Natatanggap na regalo o tulong
CONSPICUOUS CONSUMPTION
-Ito'y tumutukoy sa paggastos ng mga tao ng malalaking halaga para sa mga kalakal at serbisyo na may mataas na halaga sa lipunan, hindi dahil sa kanilang pangunahing pangangailangan, kundi upang ipakita ang kanilang estado sa lipunan.
-Ayon sa Amerikanong ekonomista at sosyologong si Thorstein Veblen, sa kaniyang aklat na Theory of The Leisure Class, may mga pagkonsumong ang motibo ay makaoagyabang at hindi ang makatugon sa pangangailangan.
mga produktong habang tumataas ang presyo ay mas lalo namang hinahangad bilhin ng tao.
Halimbawa: ang pagbili ng mamahaling sasakyan, alahas, o bahay na mayroong mataas na halaga kahit hindi gaanong kailangan ay maaaring ituring na conspicuous consumption.
Ito ay tumutukoy sa mga konsumer na nakakakuha ng motibasyon sa mga pag-aanunsiyo na sinasadyang maging kaakit-akit upang tangkilikin ang tinatampok na produkto o serbisyo.
o paggamit ng masa o maraming tao na para bang nanghihikayat na makiisa sa paggamit ng produkto dahil marami na ang nakagamit at nasiyahan dito.
o pagpapatotoo ng isa o iilan ng kanilang positibong karanasan sa paggamit ng produktong ineendorso.
o tatak na ang nais na epekto ay ang kalidad ng isang produkto dahil sa ang tatak nito ay subok na.
o intimidasyon na ang epekto ay ang isipin ng mga mamimili na kaunti lang o mga “limited edition” ang nagawang produkto kung kaya kailangan bumili agad upang hindi maubusan.
madaling matatandaan ng lahat tulad ng mga linyang, “Tibay Likas” at “Gandang Natural”.
Pag- apela o emosyon na makikita sa mga anunsiyong halaw sa mga karanasan ng tao.
Aktuwal na pagpapasubok sa mga tao ng produktong ipinagbibili tulad ng sa mga mall kung saan maraming ibinibigay na free taste upang malasahan mismo ng mamimili ang produkto.
STUDY TIP
YOU SHOULD TRY DIFFERENT STUDY METHODS TO FIND OUT WHICH WORKS BEST FOR YOU, MY WAY IS TO IMAGINE THAT I AM TEACHING THE LESSON ITSELF.
GAWI SA PAGKONSUMO
complementary goods - mga bilihin na sadyang nakpagbibigyang mataas na pakinabang o kasiyahan kapag kinokonsumo nang sabay.
Halimbawa: Tinapay at Inumin, Sapatos at Medyas, Panulat at Papel
variety goods - ang ibang konsumer ay bumibili at gumagamit ng mga produktong iba-iba.
Halimbawa: Produktong may pagkakahaintulad sa wangis, pinag-iiba-iiba naman sa kulay, estilo o disenyo
Mas inuuna ang pinakmahalagang bago bumili ng luho o kagustuhan. Sila ang tinatawag na praktikal na konsumer o may mga simpleng pangangailangan lamang at hindi bumibili ng hindi gaanong mahalagang bagay.
Ang panggagaya ay maaring negatibong o positibo. Negatibo ito kung bumibili at gumagamit ang isang tao ng mga bagay dahil naiingit siya sa ibang mayroon ng mga bagay na ito. Positibo naman kung ang totoong motibo ay mapabuti ang isang individul sa paggamit o pagbili nito tulad ng mga nagig karanasan ng iba.
saturation point - ang rurok na palatandaan ng pagkasawa.
Dahil dito, iniiba -iba nila ang lasa, itsura, presentasyon, pakete, at iba pang aspekto ng produkto.
Hindi mararating ng kahit na sinong konsumer ang rurok ng pagkagusto sa isang produkto, lalo na kung dinadalasan niya ang pagbili, paggamit o pagkain nito.
LAW OF DIMINISHING MARGINAL UTILITY
Ang "Law of Diminishing Marginal Utility" ay isang konsepto sa ekonomiks na nagsasaad na habang nadaragdagan ang pagkonsumo ng isang kalakal o serbisyo, ang dagdag na kasiyahan o "utility" na natatanggap ng isang tao mula sa bawat dagdag na yunit ng konsumo ay bumababa.
Ang Law of Diminishing Marginal Utility ay isang mahalagang konsepto sa ekonomiks at ay isa sa mga pundamental na ideya na tumutulong sa pagpapaliwanag kung bakit ang mga tao ay nagkakaroon ng iba't ibang preferences at bakit sila'y nagbabago ang kanilang mga pagpapasya ukol sa pagkonsumo base sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.
MGA PAGPAPAHALAGA AT PANINIWALANG NAKAKAIMPLUWENSIYA SA MGA PILIPINONG KONSUMER
utang na loob
pakikipagsapalaran
kaisipang kolonyal
rehiyonalismo
hospitalidad
pakikisama
Maraming Pilipino pa rin ang nag-iisip na mas mainam at mas maganda ang mga produktong imported kaysa gawang Pilipino
Bumibili ang mga Pilipino mula sa mga taong pinagkakautangan ng loob para kahit paano ay maipadama sa kanila ang hindi matapos-tapos na pasasalamat
Pagpapahalaga sa tinatawag na "Suki kung kaya kahit na may mas mainam na bibilihan, para sa pakikisama, babalik at babalik pa rin sa suki para bumili
Bumili ng mga produkto na hindi naman madalas na ginagamit ngunit dahil sa may bisita, kahit mahal ang presyo o hindi kaya, pipilitin pa ring mabili
Pagkakaroon ng Delicacy or Homegrown na Produkto o gawa sa pinanggagalingan lalawigan o rehiyon
Pagkakarron ng pananaw na "Bahala na"o tinatawag na fatalistic attitude. Patunay ito na malakas pa rin ang pananalig ng marami sa suwerte o luck
ANG MATALINONG MAMIMILI
[image carousel]
makatwiran
mapanuri
hindi nagpapadaya
hindi nagpapadala sa patalastas o anunsiyo
sumusunod sa badyet
hindi nag pa-panic buying
may alternatibo
MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI
Batas Republika Blg. 7394 (Consumer Act of the Philippines)
Ang Batas Republika Blg. 7384 o Consumer Act of the Philippines ay nilikha alinsunod sa tungkulin ng pamahalaan na pangangailangan ang interes ng mga mamimili. Ito ay pinagtibay noong Abril 13, 1992 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corozaon Aquino
Mga Layunin:
-pangalagaan ang mga mamimili mula sa mga hindi ligtas, hindi katiwa-tiwala, at hindi patas na gawain sa pagbebenta ng produkto.
-magkaroon ng malawakang pagpapalaganap ng impormasyon na makakatulong sa mga konsumer na gumawa nang maayos at patas na desisyon
-mabigyan ang mga konsumer ng pagkakataon na maisakatuparan ang kanilang mga karapatan at mailabas ang kanilang mga hinaing
-mgakarron ng mga kinatawan ang mga konsumer sa paggawa ng mga patakarang pang ekonomiya at panlipunan
STUDY TIP
TAKE PRACTICE TESTS TO CHECK WHAT YOU HAVE LEARNED. REMEMER, MEMORIZING AND LEARNING ARE DIFFERENT.
MGA BATAS PARA SA PROTEKSIYON NG MGA MAMIMILI
May pananagutan ang nagtitinda sa lahat ng sasabihin nito tungkol sa kaniyang produkto para mahikayat ang mga mamimili
Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng Pilipinas)
Ang mga tagaproseso o tagagawa ng mga pagkain, inumin at kosmetiko ay mananagot sa anumang sangkap na ginamit sa pagprodyus nito lalo na kung ito ay nagkaroon ng hindi mabuting epekto sa gumamit ng produkto
Artikulo 187 (Binagong Kodigo Penal)
Parurusahan ang sinumang maglalagay ng maling etiketa (labeling) at pagpapakete (packaging) sa anumang produkto
Republic Act. No 3750
Ipinagbabawal ang pag-aanunsiyo o pagdi-display ng anumnag huwad o pekeng produkto
Batas sa Price Tag
Inaasahan ang mga nagtitinda nang tingian na lagyan ng price tag ang kanilang paninda
Metric System ang gagamiting sistema ng panukat ng anumang produkto o kalakal sa Pilipinas
Kinakailangang iparehistro ng mga nagtitinda ng baboy, baka, manok, at isda ang kanilang paninda
Itinatag ang National Grains Authority (NGA) upang mamili ng mga aning butil tulad ng mais at palay mula sa mga magsasaka upang ipagbili ito sa tamang halaga
Ipinagbabawal ang pagbebeta ng regulated na gamot o mga gamot na hindi maaring ipagbili nang walang reseta mula sa doktor
Republic Act No. 5921
May pananagutan ang mga nagtitindi ng gamot at lason na sira ang lalagyan
Parurusahan ang sinumang gumamit ng maling karat ng ginto, pilak, o anumang mahahalagang metal sa produkto
MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA NAGBIBIGAY-PROTEKSIYON SA KARAPATAN NG MAMIMILI
Department of Trade and Industry
-Tinitiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto
-Nagmo-monitor ng mga bilihin sa pamilihan tulad ng tamang timbang, bigat, warranty at price tag
Department of Health
-Sinisigurong ligtas, malinis, at may tamang etiketa ang ga ipinagbibiling pagkain, gamot at kosmetiko
Department of Agriculture
-Tumitiyak sa kalidad ng ga produktong agrikultural
-Nagmo-monitor ng mga labeling at packaging ng mga ito
Energy Regulatory Commission
Dumidinig sa mga reklamo at usapin na may kinalaman sa langis at LPG
National Consumer Affrirs Council
-Nangangasiwa sa ignayan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong samahan patungkol sa mga karapatan ng mga mamimili
STUDY TIP
STUDY WITH A GROUP. STUDYING WITH A GROUP IS OFTENTIMES BENEFICIAL ECAUSE IT CAN INCREASE YOUR FOCUS. JUST MAKE SURE THAT THE GROUP WON'T DISTRACT YOU INSTEAD THOUGH.