|CONSUMPTION FUNCTION|
Eto ay nakabatay sa pag-aral ng isang ekonomista na si John Maynard Keynes. Ayon sa kaniyang pag-aral, ang pagsusuring ito ay maaring magpaliwanag sa KABUOANG PAGKONSUMO, at KABUOANG KITA ng isang ekonomiya
|SAVINGS FUNCTION|
Ang “saving function” ay isang konsepto sa ekonomiks na nagpapakita ng direkta o tuwirang ugnayan sa pagitan ng kita at pag-iipon. Ang kaniyang equation ay "S = f (Y)", na kapag Y ay kita, at ang S ay savings.
|MARGINAL PROPENSITY TO SAVE|
|GAWI SA PAGKONSUMO NG MGA PILIPINO|
MARSHALIAN ECONOMICS
- Ayon sa Marshallian economics ni Alfred Marshall, ang pangunahing motibasyon ng pagkonsumo ay ang PRESYO.
- Kapag mababa ang presyo ng produkto, tumataas ang magiging kagustuhan magkonsumo. Kapag mataas naman ang presyo ng produkto, bumababa ang lebel ng pagkonsumo.
PSYCHOANALYTIC THEORY
- Ayon sa psychoanalytic theory ni Sigmund freud, hindi lamang nakabatay sa edad o kita ang pagkonsumo. Ang mga pagpapahalaga at damdamin, inaasahan, pinapangarap, at maging takot ng mga tao ay nakakaimpluwensiya rin sa pagkonsumo.
PAVLOVIAN THEORY
- Ayon naman sa Pavlovian theory ni Ivan Pavlov, mas pinipili ng mga tao na gamitin at bilhin ang mga produkto na may positibong karanasan. Ito rin ang dahilan sa karamihan ng mga kompanya na gumagamit ng mga advertisement na may "FEEL-GOOD EFFECT".