ARALING PANLIPUNAN 9
Ang Sektor ng Industriya
Samantala, ang sektor ng industriya ay tinatawag ding sekundaryang sektor. Isa ito sa lumalagong sektor sa bansa. Sa katunayan, ang Pilipinas ay nasa proseso ng industriyalisasyon.
Upang higit na maunawaan ang kahulugan at saklaw ng sektor ng industriya, mahalagang tingnan ang mga subsector ng bumubuo nito.
Ito ay tumutukoy sa paggamit o pagproseso ng hilaw na sangkap upang maging isang uri ng produkto. Upang maisakatuparan ito, nangangailangan ng mga pagawaan, pabrika, o planta.
Ito ay tumutukoy sa pagpapatayo ng mga gusali, bahay, at impraestruktura tulad ng mga daan, tulay, dam, irigasyon, paliparan, piyer, tore ng kuryente, at marami pang iba na napakikinabangan ng mga tao.
Ito ay tumutukoy sa proseso ng pangangalap o pagkuha ng mahahalagang uri ng metal at mineral mula sa ilalim ng lupa. Ilan sa mahahalagang uri ng metal na napapakinabangan ng tao ay ginto, pilak, tanso, lata, bakal, aluminyo, at marami pang iba
Ang utilidad ay binubuo ng mga serbisyong mahalaga para sa tao tulad ng transportasyon, komunikasyon, elektrisidad, irigasyon, supply ng inuming tubig, sanitasyon, at iba pa. Ang mga utility service ay maaaring pinamamahalaan ng mga pribadong kompanya o ng pamahalaan.
Batay sa saklaw ng operasyon at puhunan, ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na uri:
may puhunan na hindi lalampas sa tatlong milyon; may isa hanggang siyam na bilang ng mga manggagawa.
may puhunan na hindi bababa sa tatlong milyon at maaaring umabot sa 15 milyon; may 10-99 na bilang ng manggagawa.
may puhunan na hindi bababa sa 15 milyon at maaaring umabot sa 100 milyon; may 100-199 na bilang ng manggagawa.
may puhuhnan na hindi bababa sa 100 milyon; may 200 o higit pa na bilang ng manggagawa.
Kaagapay ng ibang sektor tulad ng sektor ng agrikultura.
Tagapaggalugad at tagalinang ng mahahalagang likas na yaman tulad ng metal at mineral.
Nagbibigay ng trabaho sa maraming mamamayan at pinagmumulan ng malaking bahagi ng kita sa pamahalaan.
Nakapag-aambag sa antas ng eksportasyon.
Pangunahing tagapagpatupad ng innovation, paggamit ng teknolohiya, at makabagong kaalaman at kasaysayan.
Ang rebolusyong industriyal ay nagsimula sa England noong ika-18 siglo nang madiskubre at malikha ang mga makina at mapagkukunang enerhiya upang mapabilis at maparami ang produkto. Lumaganap ito sa buong Europe at United States at nagpaigting sa pangangailangan sa mga hilaw na sangkap. Kasama sa pagbabagong ito ang pag-usbong ng makabagong pamamaraan ng produksiyon, paggamit ng steam power at makina, at paglaganap ng sistema ng pabrika. Isa sa pangunahing imbensyon ay ang steam engine ni James Watt na nagsimula ng patent system o pagkakaloob ng eksklusibong karapatan sa isang imbensiyon o orihinal na produkto.
BAKIT MAITUTURING NA MAKASAYSAYANG PANGYAYARI ANG PAGLAGANAP NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL?
Kung bibigyan ka ng pagkakataong lumikha ng isang bagay o modernong teknolohiya na mapakikinabangan ng sektor ng industriya sa kasalukuyan, ano ito at paano ito makatutulong?
Ang sektor ng Industriya ay maaaring nakararanas ng iba't ibang suliranin.
Kakulangan sa Pinansyal na Kapital - maaari itong mag bunga ng mababang pasahod sa mga manggawa, hindi nakasanayan o agresibong pag-iimpok, mababang produksiyon, o kaya ay mahinang ekonomiya.
Kakulangan sa Piskal na Kapital - tumataas ang gastos o operational cost sa produksiyon kaya mataas din ang presyo ng mga kalakal.
Kakulangan ng Kaalaman sa Paggamit ng Makabagong Teknolohiya - may pagkakataon na hindi sapat ang natatamasang kaalaman at kasanayang pang-industriya ng mga manggagawa.
Implasyon sa Lokal at Pandaigdigang Pamilihan - dahil sa mababang purchasing power o kakayahan ng pera para bumili, maaaring maantala ang mga proyektong pang-industriya tulad ng impraestruktura.
Kawalan ng Katatagang Pang-Ekonomiya - kung walang katatagang pang-ekonomiya, walang maglalakas-loob na maglaan ng kapital dahil walang negosyo na gustong magpalugi o mawalan ng kitaa o puhunan.
Kawaln ng Katatagang Pampolitika - kung walang matatag na pamahalaan, mangingibabaw ang kaguluhan, mga ilegal na gawain, terorismo, o digmaan na magiging sanhi ng pagsasara o tuluyang pagtalikod ng mga negosyante sa sektor ng industriya.
RA No. 7394 (Consumer Act of the Philippines of 1991)
-pinagtibay upang bigyan ng proteksiyon ang mga konsumer sa bansa
RA No. 7103 (Iron and Steel Industry Act)
-pinagtibay upang patatagin ang industriya ng bakal sa bansa na tutulong sa proseso ng industriyalisasyon
RA No. 7838 ( Department of Energy Act of 1992)
-lyon nitong maging sustenable ang produksiyon ng enerhiya sa bansa sa paraang hindi nakasisira ng kalikasan
RA No. 7942 (Philippine Mining Act og 1995)
-nagtakda ng mga pamantayan ukol sa wastong paggalugad ng mga yamang mineral na sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas
RA No. 654 (National Building Code of the Philippines)
-nilikha upang magkaroon ng iisang polisiya sa konstruksiyon ng mga gusali nang sa gayon ay mabigyan ng proteksiyon ang buhay, kalusugan, at ari-arian.
Executive Orde (EO) No. 226 (Omnibus Investments Code of 1987)
-pinagtibay upang hikayatin ang mga Pilipino at dayuhang namumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa.
RA No. 7160 (Local Government Code; Seksiyon 16-17)
-naglahad ng kaukulang tungkulin sa lokal na pamahalaan upang pangalagaan ang kalikasan, suportahan ang mga proyektong pang-industriya, at itaguyod ang mga serbisyong magpapabuti sa kalagayan ng mga komunidad.
RA No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Program)
-isinulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng wastong pangangasiwa sa mga basura mula sa iba't ibang sektor ng ekonomiya kabilang na ang sektor ng industriya.
Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Development Plan 2017-2022
-nabuo sa pamamagitan ng konsultasyon sa iba't ibang sektor at mga ahensiya ng gobyerno; naaayon sa layunin ng pamahalaan na palakasin ang trabaho, negosyo, at kabuhayan sa bansa.
Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso
-may layuning tulungan ang pinakamaliit na negosyante sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pautang
Basahin at pag-aralan ang ilan sa mga ahensiya o institusyon ng pamahalaan na katuwang ng sektor ng industriya sa pagtataguyod ng ekonomiya.
Department of Trade and Industry (DTI) - ahensiya na nagkakaloob ng permit sa mga negosyo.
Philippine Board of Investment - kaagapay ng DTI upang itaguyod ang pamumuhunan, gayundin ang pagbibigay ng fiscal incentive o dekuwento sa buwis sa mga nagnanais mamuhunan sa bansa.
Department of Environment and Natural Resources - ahensiya na nangangalaga sa kalikasan ng bansa. Ito rin ang nagkakaloob ng ECC o environment compliance certificate.
Mines and Geosciences Bureau (MGB) - nasa ilalim ito ng DENR at siyang nangangalaga sa kalikasan at yamang mineral ng bansa.
Philippine Economic Zone Authority - itinatag upang magbigay suporta sa mga mamumuhunan at umagapay sa pagluluwas ng mga produkto palabas ng bansa.
Export Processing Zones - nilikha upang dumami ang dayuhang namumuhunan sa bansa at kalaunan ay lumikha rin ng trabaho para sa mamamayan.
Bureau of Micro, Small and Medium Enterprises Development/Philippine Disaster Resilience Foundation - layunin ng mga institusyong ito na tulungan ang MSME na maging sustenable sa paghahatid ng mga produkto at serbisyo kahit sa panahon ng kalamidad.
Department of Science and Technology (DOST) - tumutulong sa mga MSME sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapaghusay ang pagpapatakbo ng negosyo at maging produktibo. Ilan sa mga halimbawa ng programa nito ay ang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP), Technology Innovation for Commercialization (TECHNICOM), at SUPRE-GOV (Technology Support for E-Governance)