Pagtamo ng Pambansang Kaunlaran
Paglalarawan ng isang maunlad na Bansa
Economic growth (Qualitative and Quantitative)
Quantitative
Pang-ekonomiyang batayan na nagsasaad na Kaunlaran ay nakabatay sa antas ng kabuoang Pambansang Kita (GNI) pati narin sa Per Capita Income (PCI).
Ito ay inuugnay sa konsepto ng Economic Growth , dulot ng pagtaas ng kita ng pamahalaan mula sa mga produkto at serbisyo.
Qualitative
Batayan na may kaugnayan sa uri ng pamumuhay ng taong nagsasaad na ang kaunlaran ay hindi lamang nakabatay sa Estadistika, ngunit sa buong kalagayan nito.
Iniuugnay ito sa konsepto ng Economic Development na sumasalamin sa de-kalidad na pamumuhay
Palatandaan ng Kaunlaran
Ang pagkakaroon ng mataas na GNP, GNI, o PCI ay isang indikasyon ng katatagang pang Ekonomiya o Kaunlaran.
Sumasalamin sa pagkakaroon ng maayos na impraestruktura, matatag na ugnayang panlabas, masiglang pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang maunlad na bansa ay karaniwang may maayos na sistema ng politika.
Hindi ito nahaharap sa matitinding kaguluhan tulad ng digmaan, karahasan at civil disobedience.
Hindi lamang sa salapi nasusukat ang yaman ng isang bansa. Ito ay nakikita rin sa mayamang kultura ng mamamayan. Ang nagpasalin-salin na mga kaugalian, tradisyon, selebrasyon, at estilo ng pamumuhay ng mga ito ay bahagi ng pagkakakilanlang kultural.
Isa rin sa mga palatandaan ng kaunlaran ay ang katatagang panlipunan. Sinasalamin nito ang pagkakaroon ng matibay na pag uugnayan ng lahat ng mamamayan. Dito rin nakapaloob ang tinatawag a equitable distribution o wastong pamamahagi ng yaman ng bansa a lahat ng mamamayan nito.
Pagkakaroon ng matatag o katatagang relihiyon ay isa sa magandang palatandaan ng kaunlaran.
Natatamasa ang mataas na antas ng paggalang sa karapatan at kalayaan ng bawat tao na maipahayag at isabuhay ang sariling paniniwala.
Hindi hiwalay ang usaping pangkaunlaran sa wastong pangangalaga ng kalikasan.
Mas mainam ang pagtamo ng kaunlaran nang may pagsaalang-alang sa estado ng mga likas na yaman.
Ang mataas na antas ng literasiya (literacy) ay magandang palatandaan ng kaunlaran. Natatamo lamang ito sa pamamagitan ng matatag na sistemang pang-edukasyon.
Nakatutulong it upang makalikha ng mga manggagawa na may sapat na kaalaman at kasanayan.
Ang pagkakaroon ng isang maayos na kalusugan, pang isip man o pangkatawan ay isang magandang kaunlarang pangtao
Kayamanan ng isang bansa ang pagkakaroon ng malusog na mamamayan.