KONSEPTO NG PRODUKSIYON
ay tumutukoy sa pag gawa o paglikha ng mga bagay at may pakinabang
•Tangible - ang produktong nalilikha na nakikita, nabibilang at nahahawakan.
•Intangible - ang tawag sa paglikha ng mga serbisyong hindi man kongkreto ay siguradog napakikinabangan
TERMINOLOHIYA SA PRODUKSIYON
•Resource - pinagkukunan (ito ay kailangan sa paggawa ng produkto upang makagawa ng panibagong bagay na may panibago ring pakinabang)
•Transformation - o pagpagpapanibagong-anyo ng input upang makagawa ng ng ninanais na output
•Input - ang tawag sa mga sangkap o salik ng produksiyon
•Output - tawag sa nalikhang produkto
•Commodity Goods - tawag sa mga produktong nais ipagbili
•Intermediate Goods - produktong ginagamit muli para makagawa pa ng ibang produkto
•Capital Goods - ito ay produktong pinal na ginagamit sa prodiksiyon.
•Firm - o bahay-kalakal (sila ang nagsasagawa ng produksiyon)
MGA SALIK NG PRODUKSIYON
lupa
lakas-paggawa
kapital
entreprenyur
ANG SALIK NA LUPA SA PRODUKSIYON
Lupa lamang ang tanging salik na maituturing na permanente o fixed sapagkat hindi ito maaring ilipat o galawin. Primaryang salik ang lupa dahil kung wala ito, walang paggaganapan ng produksiyong
Halimbawa: Lupang pinagtatamnan, pinagpapastulan, lupa sa lungsod at kabundukan
BATAS PATUNGKOL SA TAMANG PANGANGALAGA AT PAGLINANG NG LUPA
Forest Reform Act noong 1975
Comprehensive Agrarian Reform Law noong 1988
Indigenous Peoples Rights Act ng 1997
Agriculture and Fisheries Modernization Act ng 1997
ANG SALIK NA KAPITAL SA PRODUKSIYON
Ang kapital sa produksiyon ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang isailalim sa isang proseso. Ito ang ay mga hilaw na materyales na gamit upang makabuo ng panibagog produkto
Halimbawa: Kagamitan, estruktura, o gusali na may pakinabang sa produksiyon.
Wear and Tear - pagkasira o pagkaluma / depresasyon
Kapital ay maaring tawaging intermediate at capital goods. Ang salapi ay hindi tinuturing na salik ng produksyon.
MGA ANYO NG KAPITAL
Estrukturang Hindi Pambahay - binubuo ito ng mga estruktura o gusali na pinaggaganapan ng produksiyon tulad ng opisina, pabrika at planta
Kagamitang Pangmatagalan - ito ay kagamitan tulad ng mga makinarya at sasakyan
Estrukturang Pantahanan - binubuo ito ng appliance tulad ng telebisyon, upan, electric fan, at iba pa
Imbentaryo ng Input at Output (Stocks) - ito ay mga stock na kagamitang ginagamit sa produksiyon
Impraestruktura na nagbibigay ng serbisyo sa publiko tulad, kalsada, at riles ng tren
Serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan tulad ng pulisya, bombero at munisipyo
Mga bagay na hindi materyla na ginagamit upang lalong mapagbuti ang produksiyon.
•Circulating Capital - kapital na mabilis magpalit ng anyo at mabilis maubos
•Fixed Capital - kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit
•Free Capital - maaring magamit ayon sa kagustuhanan ng mga negosyante
•Specialized Capital - may takdag gamit at hindi maaring gamitin sa ibang bagay
ANG PAGGWA BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ito ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng produksiyon. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng talino, lakas at kakayahan ng tao upang makalikha ng produkto o serbisyo.
KLASIPIKASYON NG PAGGAWA
•Paggawang Pisikal, Bokasyonal o Teknikal - higit itong ginagamitan ng lakas ng katawan, na tinatawag ding blue collar job. Ito ay nauuri ayon sa sumusunod:
May Kasanayan o Skilled - kabilang dito ang mga manggagawang nakatapos sa isang kursog bokasyonal o teknikal
May Kaunting Kasanayan o Semi-skilled - kabilang dito ang mga may kaalaman na hindi man galing sa isang kursong bokasyonal o teknikal ay madali namang matutuhan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga instruksiyon
Walang Kasanayan o Unskilled/Non-skilled - ito ay paggawang hindi nangangailangan ng kasanayan at lakas lamang ng katawan at natural na sipag ang kailangan
Paggawang Mental - tinatawag din itong white collar job.
Halimbawa: Propesyonal na nakatapos ng kurso sa kolehiyo o tinatawag na degree holder
MGA KATANGIAN SA PAGGAWA
•Ang paggawa ay salik ng produksiyon na tinatawag ding Human Capital. Binubuo ito ng mga inbidibwal a kabilang sa puwersa ng lakas-paggawa o labor force.
•Ang trabaho at ang tao ay hindi maaring paghiwalayin
•Ang kakayahan sa paggawa ay nagbabago
•Ang mga manggagawa ay naapektuhan o naiimpluwensiyahan ng mga kondisiyon sa paggawa.
•Ang supply ng paggawa ay hindi kaagad-agad mapapalitan
•Antas ng Karunungan
•Kalusagan
•Kalagayan ng Ekonomiya
•Pangkultural at Panlipunang Salik
•Kakayahan at Kalusagan ng Tagapangasiwa
Ang lakas-paggawa o labor force ay binubuo ng mga mamayang nasa edad 15 pataas na may sapat na talino, kakayahan, ta kahandaan.
Employed ang tawg sa mga manggagawa nasa sumusuod na kategorya:
-Mga empleyadong suwelduhan o pinapasahod
-May mga sariling negosyo ngunit walang pinasasahod o sinusuwelduhang manggagawa
Employed ang tawag sa mga manggagawa nasa sumusuod na kategorya:
-Mga namamahala o nagpapatakbo ng sariling negosyo o ng negosyong pag-aari ng pamilya
-Mga nagtatrabaho para sa negosyo ng pamilya na hindi tumatanggap ng sahod o suweldo.
Inuuuring full time o part time ang mga manggagawang employed.
Full time - nagtatrabaho ng 40 oras o higit pa sa loob ng isang linggo
Part time - mababa rito ang oras ng paggawa
Unemployed - o walang trabaho ay kabilang sa labor force ngunit hindi makakita ng trabaho o hindi naghahanap ng trabaho kahit dapat nang magtrabaho. Ang mga bagay na ito ay maaring nangyayari dahil sa sumusunod na kalagayan:
-Nakararanas ng pagkapagod at naniniwalang wala naman silang makikitang trabaho
-Naghihintay ng tawag mula sa inaasahang trabaho
-Pagkakasakit o Pagkabalda
-Masamang panahon
-Naghihintay na matawang muli sa unang napasukang trabaho
MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA
ANG ENTREPRENYUR BILANG SALIK NG PRODUKSIYON
Ang entrepreneur ay galing sa salitang entreprende na nangangahulugang "isagawa." Ito ay tumutukoy sa tao nagsasama-sama ng iba pang salik ng produksiyon upang maisaayos at maisagawa ang layon at pamamaraan ng produksiyon. Dahil sa ang produksiyon ay isang negosyo rin, ang entrepreneur ang nangangasiwa at nakikipagsapalaran upang mapaunlad o mapalago ang negosyo.
KATANGIANG DAPAT NA TAGLAY NG ISANG MAHUSAY NA ENTREPRENEUR
Sa entrepreneur nakasalalay ang pagpapasiya sa produksiyon mula sa pagsisimula nito hanggang sa pagtatakda ng pamilihan at pagpepresyo nito.
Dapat isaalang-alang lagi ang kapakanan hindi lang ng negosyo, kundi pati na rin ang manggagawa, at mga magiging tagapagtangkilik ng nalikhang produkto.
MGA SAMAHANG PANG NEGOSYO
Negosyante ang tawag sa nagmamay-ari o nangangasiwa ng egosyo. Ang isang ekonomiya ay hindi susulong kung hindi dadami ang ganitong gawain.
ANYO NG PRODUKSIYON
•Service Utility - produksiyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit anong prosesong gawa ng tao.
•Possession o Ownership Utility - anyong produksiyon kung saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto ngunit kailangang ipagbili sa partikular ha taong higit na makikinabang dito.
•Time Utility - ito ang produksiyong ginagawa batay sa panahon.
•Elementary Utility - ito ang anyo ng produksiyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao.Ito ay ang binaba-yarang serbisyo o pagli-lingkod ng tao upang makatugon sa pangangailangan.
•Form Utility - anyo ng produksiyon na nagmula sa. natural utility subalit ang kasiyahan ay hindi sapat kung kaya kinakailangang sumailalim sa isang proseso upang magpanibagong anyo o makagawa ng bagong produkto.
•Place Utility - may mga produktong mas mataas ang kapakinabangan kapag ito ay dinala o inilipat sa ibang lugar.
URI NG PAGNENEGOSYO
Batay sa Nagmamay-ari
-Isahang Pagmamay-ari
-Sosyohan
-Korporasyon
-Kooperatiba
Batay sa Puhunan
-Micro-Business
-Small Scale
-Medium Scale
-Large Scale
Batay sa Operasyon
-Pagmamanupaktura
-Serbisyo
-Pagtitingian
-Distribusyon
BATAY SA PAGMAMAY-ARI
ISAHANG PAGMAMAY-ARI (SOLE PROPRIETORSHIP)
•MADALI ITONG ITATAG
•MAY-ARI ANG GUMAGAWA NG LAHAT NG DESISYON
•ANG MGA KAILANGAN NG MAY-ARI AY ORAS, ATENSIYON AT PANANALAPI
•NAKASALALAY ANG PAGLAGO SA KAKAYAHANG PINANSIYAL NG MAY-ARI
SOSYOHAN (PARTNERSHIP) - NASA DALAWA ANG MAGKASAMA
•MAY KAKASAMA SA NEGOSYO
•MAY KAAGAPAY SA LAHAT NG PANGANGAILANGAN SA NEGOSYO
•MAARING TENSIYON SA PAG DEDESIYON PARA SA NEGOSYO
•HATI SA KITA
KORPORASYON - (HINDI BABABA SA LIMA ANG MAGKAKASAMA)
•MALAKI ANG OPORTUNIDAD SA PAGLAGO
•ANG PANANAGUTAN ANG SHAREHOLDER AY LIMITADO SA KANIYANG INILAAN NA PUHUNAN
•MAYROONG PROPESYONAL NA PAMAMALAKAD
•KADALASN ITONG MATATAG AT MAHIRAP MABUWAG
•KOMPLIKADO ANG PAGTATAYO NITO
•LIMITADO ANG IMPLUEWENSYA NG ABWAT SHAREHOLDER SA MANAGEMENT
•MAARING MAGKAROON NG BURUKRASYA O PAMAHALAAN NG IILANG TAO LAMANG
KOOPERATIBA - (MARAMING TAO ANG KASALI)
•ANG PANANAGUTAN NG SHAREHOLDER AY LIMITADO SA KANIYANG INILAAN NA PUHUNAN (LIMITED LIABILITY)
•HIGIT NA MARAMING MIYEMBRO ANG MAKAKASALI AT MAKIKINABANG
•MAARING KUMUHA NG PROFESSIONAL MANAGER PARA MAMAHALA
•LAHAT NG KASAPI AY HINIHANGAN NG PARTISIPASYON SA PAGPAPASIYA NA MAARING MAGPATAGAL I MAGPABAGAL SA PAGBUBUO NG DESISYON
BATAY SA PUHUNAN
BATAY SA
PUHUNAN
MICRO BUSINESS
SMALL SCALE
MEDIUM SCALE
LARGE SCALE
PUHUNAN
(ASSETS)
PHP 3 MILYON PABABA
PHP 3-15 MILYON
PHP 15 - 100 MILYON
PHP 100 MILYON PATAAS
BILANG NG KAWANI
ISA HANGGANG SIYAM NA MANGGAGAWA
10 - 99 NA MANGGAGAWA
100 - 199 NA MANGGAGAWA
200 O HIGIT PANG MANGAGAWA
PRODUCTION FUNCTION
Ang production function ay isang graph o mathematical equation
na naglalarawan sa ugnayan ng mga input o sangkap ng produksiyon
sa mga output o mga nagawang produkto, na kung ang ang input, nakadepende rito ang kalidad o kantidad ng malilikhang produkto o output.
•Increasing Returns - tumataas ang total product, tumataas ang average at marginal product.
•Decreasing Returns - tumataas ang total product, pababa ang average at marginal product.
•Negative Return - Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng manggagawa, patuloy na bumababa na rin ang kabuoang produktong nagagawa kaya lalong bumababa pa ang karagdagang produktong napoprodyus hanggang sa ito ay maging negatibo na.
GASTUSIN SA PRODUKSIYON (PRODUCTION COST)
Ang bawat sangkap ng produksiyon ay may katumbas na kabayaran. Mahalagang makuwenta ito nang tama upang malaman kung magkano ang magiging presyo ng produkto. Kailangan din ang datos na ito upang pagkatapos na makabenta ay malaman naman kung magkano ang tinubo.
Tubo - o profit ay halaga kapag ibinawas sa kabuong benta ang kabuoang gastos
MGA GINAGAMIT SA PAGKOKOMPUT SA BAWAT GASTOS
•FC (Fixed Cost) - gastusin para sa fixed input; tinatawag ding "overhead" o "sunk cost" sa isang short run market period; ito rin ang gastusing binabayaran na kahit wala pa o wala nang produksiyon
•VC (Variable Cost) - gastusin para sa variable input, nakadepende rin ito sa antas ng produksiyon
•TC (Total Cost) - kabuoang gastusin para sa fixed at variable input
•AFC (Average Fixed Cost) - gastusin sa bawat produkto batay sa salik na hindi nagbabago; tinatawag din itong spreading
•AVC (Average Variable Cost) - gastusin sa bawat produko batay sa mga salik na nagbabago o gastusing nakabatay s antas ng produksiyon
•AC (Average Cost) - gastusin sa bawat produkto batay sa salik ng produksiyon; ito ang nagiging batayan ng bahay-kalakal sa pagpepresyo ng produkto
•MC (Marginal Cost) - karagdagang gastos sa bawat karagdagang produktong nagagawa
TERMINOLOHIYA PARA SA PRODUCTION COST
•Economic Cost - pinagsamang explicit at implicit cost
•Production Cost - pinagsama-samang gastusin na nakabatay sa salik ng produksiyon
•Economic Profit - tubing makukuha kapag tinanggal sa kabuong benta ang kabuong economic cost
•Production Profit - tubong makukuha kapag ang production cost ay ibinawas sa kabuong benta
•Explicit Cost - ito ay mga gastos na tinatanggap ng may-ari ng salik ng produksiyon
•Implicit Cost - gastos na ibinabayad ng may-ari sa kaniyang sarili bilang may-ari ng ibang salik ng produksiyon .
STUDY TIP
REMEMBER THAT YOU HAVE A WHOLE FUTURE AHEAD OF YOU,
SO JUST TRUST THE PROCCESS.