Sa pagsukat ng epektibong pagpapasiya upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan, may mga pamantayang nagiging gabay tulad ng sumusunod.
Ito ay tumutukoy sa adhikain ng makatarungan at patas na pamamahagi ng yaman, serbisyo, at oportunidad sa isang lipunan. Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomiks na naglalayong tiyakin na ang mga tao ay may pantay-pantay na pagkakataon at benepisyo sa ekonomiya, lalo na sa konteksto ng pampublikong serbisyo at oportunidad.
Halimbawa -Kapag may mga lugar na nasalanta ng bagyo o kalamidad, higit na tulong ang kailangan maibahagi dito.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng equality sa equity?
Ang equality ay nangangahulugan na ang bawat indibidwal o grupo ng mga tao ay binibigyan ng parehong mga mapagkukunan o pagkakataon. Kinikilala ng Equity na ang bawat tao ay may iba't ibang mga pangyayari at inilalaan ang eksaktong mga mapagkukunan at mga pagkakataon na kailangan upang maabot ang isang pantay na resulta.
Ito ay tumutukoy sa aspektong nalilikha ang isang ekonomiya ng maraming produkto o serbisyong kailangan ng tao sa mas mababang halaga o paraan.
Halimbawa - Kapag nagsagawa ng proyektong pabahay ang pamahalaan, mas marami ang positibonh epekto kahit pa sabihing gagastusan ito nang malaki.
Sa ekonomiks, sinabing may full employment kapag ang potensiyal ng mga manggagawa ay nagagamit nang lubos ng ekonomiya at ang ekonomiya naman ay napakikinabangan nang lubos ng mga manggagawa.
Halimbawa - Kung ang unemployment rate ay bumaba ng mas mababa sa 5% at ang mga natitirang 5% ay kinabibilangan ng mga taong naghahanap ng trabaho para sa unang beses, nagbabalik trabaho, o kusa nagpapalit ng trabaho, maaaring ituring na may full employment.
Ang paglago ng ekonomiya ay isang pagtaas sa kapasidad ng isang ekonomiya na gumawa ng mga kalakal at serbisyo, kumpara sa isang yugto ng panahon patungo sa isa pa. Maaari itong masukat sa nominal o tunay na mga termino, ang huli ay nababagay para sa inflation.
tumutukoy sa pagtaas ng laki ng ekonomiya ng isang bansa sa loob ng isang panahon. Ang laki ng isang ekonomiya ay karaniwang sinusukat ng kabuuang produksyon ng mga produkto at serbisyo sa ekonomiya, na tinatawag na gross domestic product (GDP). Ang paglago ng ekonomiya ay maaaring masukat sa 'nominal' o 'totoong' termino.
Ito ay patungkol sa pagpapanatili ng galaw upang umani ng tiwala ang mga mamamayan pati na iba pang ekonomiya
Bakit mahalaga ang katatagan o stability sa isang ekonomiya?
-Ang isang matatag na sistema ng pananalapi ay may kakayahang mahusay na maglaab ng mga mapagkukunan, pagtatasa at pamamahala ng mga panganib sa pananalapi, pagpapanatili ng mga antas ng trabaho na malapit sa natural na rate ng ekonomiya, at pag-aalis ng mga relatibong paggalaw ng presyo ng mga tunay o pinansyal na asset na makakaapekto sa katatagan ng pera o mga antas ng trabaho.
Ay paraan ng pamamahala at distribusyon ng pinagkukunang yaman upang makamit ang kasiyahan at pakinabang sa kabila ng pagiging limitado nito.
Ano ang gagawin?
Paano ito gagawin?
Paano ito ipamamahagi?
Gaano karami ang gagawin?
Para kanino ang gagawin?
Sa dami ng pangangailangan at kagustuhan, at limitasyon mayroon ang mga bagay na makatutugon dito, kailangan pagdesisyunan kung ano muna ang uunahing gawin para matugunan ang agarang pangangailangan at ihuli sa prayoridad ang mga bagay na maaaring ipagliban muna
Halimbawa - Sa alokasyon ng produksyon, isang bansa ay maaaring pumili ng maglaan malaking bahagi ng kanyang produksyon sa renewable energy tulad ng solar at wind power upang mapanatili ang kalusugan ng kalikasan.
Kapag napagdesisyunan na kung ano ang gagawin, kasunod naman ang pamamaraang gagamitin para magawa ito.
Halimbawa - Sa alokasyon ng paraan ng produksyon, isang kompanya ay maaaring pumili na gamitin ang advanced technology at automation upang mapataas ang produksyon ng kanilang produkto, na maaaring magresulta sa mas mataas na kalidad at mas mababang presyo para sa mga mamimili.
Kailangan ding pagtuonan ng pansin kung gaano karami ang dapat gawin upang makapili ng tamang paraan sa produksyon.
Halimbawa - Sa alokasyon ng dami ng produksyon, isang oamahalaan ay maaaring magdesisyon na maglaan ng malaking bahagi ng kanilang badyet sa sektor ng edukasyon upang magpataas ng antas ng kaalaman sa bansa.
Bago magprodyus, sinusuri muna ng prodyuser kung aling bahagi ng populasyon ang maaaring kumonsumo o bumili ng produkto o serbisyong iproprodyus nito.
Halimbawa - Sa alokasyon ng kung para kanino gagawin ang produksyon, isang kumpanya ng luxury goods ay maaaring mag-focus sa mga may kaya sa buhay upang mapanatili ang mataas na kalidad at presyo ng kanilang produkto.
Paunahan o “First Come, First Serve”
Pagrarasyon
Kompetisyon
Presyo
Sa paraang ito, ang makikinabang ay kung sino ang mauuna
Halimbawa, kung may kakapusan sa inuming tubig at tutulong ang pamahalaan, ang nauna sa pila ang agarang makakakuha ng pangangailangang ito.
Ginagawa ito kapag pinaaalalahanan ng pamahalaan ang mga mamamayan na tipirin ang pinagkukunang yaman.
Ito ay sistema ng pagkontrol at limitadong pamamahagi ng pagkain, tubig, o kalakal upang matiyak ang patas na pagtanggap ng lahat sa panahon ng kakulangan o krisis.
Halimbawa, kapag namigay ng rasyon ang pamahalaan ng tig-iisang sako ng bigas, inaasahang pagkakasyahin ito ng bawat tumanggap na pamilya dahil kung hindi, kailangan na nilang bumili muli ng bigas.
Kaugnay ng paunahan, ang pamamahagi ay maaaring daanin sa kompentisyon. Ito ay maaaring nakabatay sa karunungan, lakas o productivity.
Ang presyo ay sinasabing pinakaepektibo sa lahat ng pamamaraan. Dahil pamilihan ang pinakamainam na mekanismo ng pamamahagi, presyo ang maaaring gawing batayan upang ang pinagkukunan o pakinabang ay makarating sa nangangailangan o may gusto nito.
Isinusulong na ang kapangyarihan ng isang partikular na bansa ay nakadepende sa dami ng supply ng ginto at pilak.
Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pagluwas.
Ito ay isang uri ng sistema na lumilikha ng makataong lipunang hindi tumitingin sa kaurian o estado ninuman.
isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon.
Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao ,walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.
Sa sistemang sosyalismo, pag-aari ng pamahalaan ang mga pangunahing industriya o gawain gayundin ang mga gamit sa produksyon.
Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod.
Ito ay makalumang paraan ng pamumuno na pinangungunahan ng isang diktador na mayroong absolutong kapangyarihan
Nailalarawan ito bilang isang diktadurang kapangyarihan, sapilitang pagsugpo ng pagtutol, at malakas na pagbuo ng rehimyento sa agimat at lipunan. Ang pasismo ay laban sa anarkismo, demokrasya, liberalismo, at Marxismo.
Si Benito Mussolini ay isang Italyano na nasyonalista at ang nagtatag ng Italian Fascism. Pinamunuan niya ang Italya mula 1922-1925 bilang Punong Ministro, at mula 1925-1943 bilang il Duce, ang Pasistang diktador. Ang Pasistang pagkuha ni Mussolini sa Italya ay isang inspirasyon at halimbawa para kay Adolf Hitler at sa Partido Nazi sa Alemanya.
Ito ay isang ideyal na ekonomiya at hindi gaanonb makatotohanan dahil sa mahirap itong masunod at may mahihigpit na katangian.
Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na batau sa pribadong pagmamay-ari ng mga paraan ng paggawa at ang kinaling operasyon para tumubo.
MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA KAPITALISMO:
Ang kapitalismo ay may maraming kakaibang katangian, ang ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng dalawang klaseng sistema, pribadong pagmamay-ari, motibo ng tubo, minimal na interbensyon ng gobyerno, at kompetisyon.
Ito ang pinakauna at simpleng anyo ng sistemang pang ekonomiya. Ang pagpapasiya sa ekonomiya ay nagagabayan at nakabantay sa kinagisnang tradisyon at paniniwala na idinidikta ng kultrura.
Ang desisyon tungkol sa produksyon, alokasyon ng yaman, at presyo ng mga kalakal at serbisyo ay batay sa kalakarang pamilihan o “market forces”. Sa ganitong sistema, ang presyo ng mga kalakal at serbisyo ay itinatakda ng halaga nito sa merkado, na resulta ng supply at demand.
Ang command economy, o kilala rin bilang centralized economy, ay isang ekonomiyang sistema kung saan ang gobyerno o isang sentral na ahensya ay nagkokontrol at nagmamanage ng lahat ng aspeto ng ekonomiya sa bansa.
Bago ka magpatuloy sa susunod na aralin, suriin mo muna kung ano ang iyong natutunan sa araling ito!
i-click ito👇🏻