TULDOK
Ingles: Period o Full Stop
Depinisyon:
Mga Gamit
Nagtatapos sa mga pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Inilalagay sa mga salitang dinadaglat o abbreviation.
Inilalagay pagkatapos ng titik ng numero.
Mga Halimbawa:
Mahilig akong magluto ng mga putaheng may sangkap na patatas.
Anak, kuhanin mo nga ang pitaka ko sa ibabaw ng lamesa.
Magandang araw po, Bb. Corpuz.
(Sa pagsusulit) 1. Ano ang pinakamalaking parte ng ating katawan?
ALAM MO BA?
Bagama't mukhang ginagamit na ang tuldok sa simula pa ng sibilisasyon, mayroong panahong hindi ito ginamit. Noong panahon ng mga Romano, sila ay nagsulat nang walang espasyo o bantas, at ang lahat ng kanilang letra ay malaki o capitalized. Ngunit dumating ang araw na nilagyan nila ng "dot" ang pagitan ng mga letra at numero upang magsagisag ng pagtatapos ng pangungusap. Sa paglipas ng mga siglo, nilagay ang "dot" na ito sa ibaba at naging bantas na tuldok.