PANIPI
Ingles: Quotation Marks
Depinisyon: Maaaring masaklaw nito ang mga grupo ng salita, parirala, o pangungusap na kailangan bigyan ng pokus sa pangungusap.
Mga Gamit
Sa mga saklong ng salita, parirala, o pangungusap na nasa tuwirang layon (Direct Speech).
Kapag mayroong nilahad sa pangungusap na iba ang linggwahe, impormal o may ibang nais iparating kesa sa literal na kahulugan ng salita.
Ang simulang alpabeto ng salita ay naka “uppercase” kapag ito ay pangungusap, salita o pariralang pantangi (Lalo na kung ito ay titulo ng isang libro) at “lowercase” naman kapag ito ay parirala o salitang pambalana.
Ang parirala, salita, o pangungusap sa panipi ay nilalagyan ng kuwit sa dulo imbes na gamitin ang kanilang nararapat na bantas (Maliban kapag panipi ang nagtatapos ng pangungusap at/o tandang pananong at tandang padamdam ang gamit) kung may mga susunod pang mga salita pagkatapos nito at ang estruktura ay nasa tuwirang layon.
Bago magsimula ang isang panipi ay nilalagyan ito ng kuwit kung ito ay wala sa simula ng pangungusap.
Kapag panipi ang magtatapos ng isang pangungusap at kung ang pangungusap na nakapaloob sa panipi ay nagtatapos sa tuldok, tinatanggal na ang tuldok na ito.
Ginagamit ang simbolo na ‘ ’ kapag may panipi sa loob ng isang panipi.
Mga Halimbawa:
Noong nakita ni Emanuel ang kanilang anak, hindi na niya napigilang umimik nang pahiyaw, “Anak, ako ang iyong tunay na tatay!”.
“Madali lang ang leksyong ito sapagkat ito ay nagagamit sa totoong buhay, ” ani ng propesor na nagtuturo sa amin.
Sabi ni Juan ay siya raw ay “mangchichiks” muna sa cafeteria. (Mangchichiks – manunuyo)
Ayon kay Kuya Kim, “Ang buhay ay ‘weather weather’ lang”.
“Hindi ka ba talaga pupunta ng EK?” ani ni Stephan kay Cristel sapagkat gustong gusto talaga ni Stephan na makasama siya.
“Ayoko na!” galit na sinabi ni Juan kay Nena.
ALAM MO BA?
Ang panipi ay tinatawag ring inverted commas.
Bukod sa mga gamit na nabanggit, maaari ring gamitin ito upang magpahayag ng pagiging sarkastiko at ironic.
Hindi rin inirerekomenda na gamitin ito sa pagsusulong ng isang produkto dahil nagmumukha itong peke. Mas magandang baguhin na lamang ang kulay ng salitang nais bigyan ng diin upang makakuha ito ng atensyon.