PANAKLONG
Ingles: Parenthesis
Depinisyon: Ang mga panaklong ay ginagamit upang maglagay ng iba pang impormasyon sa isang pangungusap.
Mga Gamit
Ginagamit ang panaklong upang maglagay ng karagdagang impormasyon ukol sa isang terminolohiya o salita.
Ginagamit ito upang maglagay ng petsa o citation sa gitna ng mga pangungusap.
Ginagamit ito upang maglagay ng numero sa gitna ng mga pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ang ilan sa mga bayani (tulad ni Jose Rizal) ay namatay nang walang asawa.
Si Jose Rizal (1861-1898) ang itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas.
Binigyan ko siya ng animnapung (60) araw upang magbayad ng utang.
ALAM MO BA?
Ang mga panaklong ay sinimulang gamitin noon pang 14th century! Tinawag rin itong virgulae convexae o half moons ng mga manunulat noong panahong iyon.