Gatlang Em
Ingles: Em dash
Depinisyon: Naghuhudyat ng biglaang pagtigil ng daloy ng isang pangungusap. Pinakamahaba sa tatlo (Gitling (-), gatlang en (–), at gatlang em (—)).
Mga Gamit
Sa mga dayalogong bitin sapagkat hindi nasabi nang tuluyan ng umiimik ang nais o may biglang sumabat sa kaniya.
Kahalili ng tutuldok, kuwit, o panaklong.
Mga Halimbawa:
“Ate ate pede bang pali—"
“Hay nako may pera ka pa dyan, lagi ka nang nahingi ng libre sakin eh”
“Luna, nais mo ba akong maging kasinta—”
“Oo naman! Tayo na!”
Ang ating mga guro — mas matanda man o mas bata sa atin — ay dapat pa ring bigyan ng galang. (Kahalili ng kuwit)
Blue, Penshoppe, at Uniqlo— ayan ang mga tatak ng damit na dala dala ko sa daan. (Kahalili ng tutuldok)
Ang ating guro — kahit matanda na — ay dapat pa ring bigyan ng galang. (Kahalili ng Panaklong)
ALAM MO BA?
Ito ay hindi hinihikayat na gamitin para sa mga pormal na sulatin o literatura sapagkat ito ay nakakalito sa mga mambabasa at mas maigi kung gagamitin ang mga kahalili nito (tutuldok, kuwit, o panaklong)
Karaniwang ginagamit sa mga istorya na kung saan ay nagpapahiwatig ng pagsabat ng isang karakter habang naimik ang isa pa.
Karaniwang napagkakamalang gitling ng ibang tao.