ELIPSIS
Ingles: Ellipsis
Depinisyon: Ang bantas na ito ay nagpapahiwatig ng pagputol ng isang bahagi ng pangungusap. Maari itong matagpuan sa simula, kalagitnaan, o pagtatapos ng isang pangungusap.
Mga Gamit
Ginagamit kung ang pangungusap ay biglang nahinto
Inilalagay ito bilang simbolo ng sariling pagtigil sa isang diyalogo
Simbolo ito ng pagtanggal sa mga sugnay o parirala sa isang pangungusap.
Mga Halimbawa:
"...hindi ako sumasang-ayon sa napagkasunduan ninyo."
"Balita 'ko... pinaslang daw ang asawa ni Kiko kagabi."
"Pasensya na, nawala sa isip 'ko ang sinabi mo sa'kin..."
"Sayang naman..."
"Hindi ako mahilig magbasa ng libro...ngunit sa tingin ko ay mababasa ko naman ito."
"...sige."
ALAM MO BA?
Ang elipsis ay nagmula sa salitang Griyego na ἔλλειψις na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay 'omission/ falling short'.
Ang tuldok na nakapaloob sa bantas na elipsis ay dapat na eksaktong tatlo sa bilang. Bawal ito magkulang o sumobra.
Ang bantas na ito ay nagagamit sa asignaturang Matematika ay mayroon itong iba't ibang anyo, tulad ng patayong elipsis (⋮).