KUWIT
Ingles: Comma
Depinisyon: Ang kuwit ay ginagamit sa paghihiwalay ng mga sinipi o parirala sa loob ng isang pangungusap.
Mga Gamit
Paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri.
Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pagkaibigan.
Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno
Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham.
Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
Binigyan ako ni Dina ng mansanas, kamyas, pakwan, at melon.
Mahal kong Celia, .... Nagmamahal, Rico
Si Zia, ang aking kapatid, ay lubos na nagpapasalamat sa iyo.
Calmba City, Laguna
Marso 23, 1892
Ang sabi niya sa akin, "Hindi ako matagal na mawawala. Babalik ako."
ALAM MO BA?
Ang kuwit ay dating slash or / na simbolo. Ito ay inimbento ni Aldus Manutius, isang Italyanong tagalimbag na nag-imbento rin ng tuldok-kuwit. Noong 1400, gumawa si Manutius ng isang slash mark (na kilala rin sa tawag na Vigule) na mas mababa sa mga letra at binaliko ito nang kaunti. Noong 1500, pinangalanan ng mga Griyegong "comma" o kudlit ang simbolong ginawa ni Manutius.