Aralin VII:
Aralin VII:
Gitling
Ingles: Hyphen
Depinisyon: Ang gitling ay ginagamit upang makapagsama ng dalawang salita o isang salita at isang panlapi upang makagawa ng makabagong kahulugan. Pinakamaikli sa tatlo (Gitling (-), gatlang en (–), at gatlang em (—)).
Mga Gamit
Ginagamit sa inuulit na salita
Kung minsan, ito ay ginagamit para sa ibang tambalan na binubuo ng dalawang magkaibang salita na kapag pinagsama ay magkakaroon ng panibagong kahulugan.
Ito rin ay ginagamit sa ibang paglalarawan ng tunog.
Kasunod ng "De" na pantig.
Kapag ang panlaping ika ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
Kapag may unlapi ang pangngalan ng tao, lugar, brand, o tatak.
Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Mga Halimbawa:
Ano-ano
Araw-araw
Basang-sisiw
Tik-tak
Drip-drip
De-kolor
Ika-anim ng gabi
Mang-uto
Taga-Japan
Pamatay-insekto
ALAM MO BA?
Ang gatlang en at gatlang em ay karaniwang napagkakamalan bilang gitling.
Ito ay ginagamit na noong panahon pa ng mga Griyego na kung saan ang tawag dito ay "enotikon".