Ayon sa nakaraang aralin (VIII), ang gatlang em ay maaaring maging kahalili ng tutuldok. Dahil dito, maaaring napaisip kayo kung alin ba sa mga ito ang mas naaayon.
Sa kasalukuyang aralin, mabubunyag ang ilan sa mga konsiderasyon na ating dapat isaalang-alang upang malaman kung gatlang em nga ba ang mas magandang gamitin o tutuldok.
Tara't tuklasin ang aralin X!
Mga NIlalaman ng Aralin:
Ang Pagkakaiba
Ang pangungusap ay mayroong dalawang estilo ng pagkakasulat: pormal at di-pormal. Ngayon naman, ang mga bantas na mababanggit dito ay makapagtutukoy sa'tin kung paano maiwawasto ng ayon sa sitwasyon at estilo ang isang pangungusap.
Em dash - Ginagamit ang em dash bilang kahalili ng tutuldok kung nais ng nagsasalita o manunulat na bigyang-diin ang konklusyon ng kaniyang pangungusang nang hindi naibibigay ang lahat ng konotasyon na buhat ng paggamit ng tutuldok. Nakapagbibigay din ito ng dagdag impormasyon, at mas madami itong paraan ng paggamit.
- Mas malakas ang dating ng paggamit ng Em dash kesa sa tutuldok dahil na rin sa impormal na kinatatayuan nito sa mga pangungusap. Ang pinagpopokusan nito ay ang emosyon sa karagdagang impormasyong ilalahad.
Tutuldok - Ginagamit naman ang tutuldok kung nais ng nagsasalita o manunulat na gawing mas pormal ang kaniyang pangungusap, sapagkat mas pormal ang paggamit ng tutuldok kaysa sa em dash.
- Medyo matamlay ang dating nito kumpara sa Em dash sapagkat parang sumasabay lamang ito sa pangungusap at parte lamang ito ng pormal na pangungusap. Ang pinagpopokusan nito ay ang paglalahad lamang ng karagdagang impormasyon.
Napag-isipan na ng mga ehekutibo ang gagawin nila sa kumpanya: ibebenta nila ito sa maliit na halaga.
-Kung mapapansin sa pangungusap na ito, tila ba binibigkas sa mas pormal na paraan ang pangungusap sapagkat tutuldok ang ginamit.
Napag-isipan na ng mga ehekutibo ang gagawin nila sa kumpanya—ibebenta nila ito sa maliit na halaga.
-Sa pangungusap na ito, para lamang nagkukwento ang nagsasalita dahil em dash ang ginamit dito. Impormal din ang paraan ng pagkakasulat nito dahil nga ang bantas na ginamit ay em dash.
Pinapasalamatan namin kayo sa pakikiisa sa amin. Nawa'y kinagiliwan ninyo ang aming aplikasyon at natuto nang lubusan sapagkat ito na ang huling aralin, paalam!