KUDLIT
Ingles: Apostrophe
Depinisyon: Ito ay isang bantas na may kakayahang makapagpaikli ng isang salita at makapag-halo ng dalawang salita.
Mga Gamit
Upang magpaikli ng ilang mga salita.
Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kinakaltas.
Mga Halimbawa:
‘Yong - iyong
‘wag - huwag
n’yo – ninyo
‘yon - iyon
siya’t - siya at
ako’y - ako ay
ano’ng – ano ang
Kadalasang nagiging pagkakamali ng mga tao ang paglalagay ng kudlit kapag pinaparami ang mga pangngalan sa Ingles (Halimbawa: dog's) ngunit ito ay mali. Ginagamit lamang ang kudlit sa pagmamay-ari kung kaya't ito'y dogs imbis na dog's.
Ang tamang bati kapag ipinagdiriwang natin ang isang okasyon tuwing Pebrero 14 ay "Happy Valentine's Day," kung saan mayroong kudlit sa "Valentine's". Ito ay dahil nakaalay ni St. Valentine ang araw na iyon at ito'y nagpapahayag ng pagmamay-ari. Ang salitang "Valentines" ay tumutukoy sa dalawang taong magka-Valentine sa araw na 'yon.