Gatlang En
Ingles: En dash
Depinisyon: Karaniwan itong ginagamit upang maihayag ang sinaklaw na ng oras, petsa, o datos pansanggunian. Mas mahaba sa gitling (-) ngunit mas maikli sa gatlang em (—).
Mga Gamit
Karaniwan itong ginagamit upang maipahayag ang sinaklaw na ng oras, petsa, o datos pansanggunian.
Mga Halimbawa:
1889–2000
5:00–9:00 pm
Pahina 11–15
ALAM MO BA?
Karaniwang napagkakamalan bilang gitling.
Ang katumbas na salita nito ay "Hanggang" (Hal. 8:00 am hanggang 9:00 am imbes na 8:00 am-9:00 am)