TANDANG PANANONG
Ingles: Question Mark
Depinisyon: Ang tandang pananong ay ginagamit sa pagtatapos ng pangungusap kung ito ay patanong ang konteksto.
Mga Gamit
Ginagamit ito kung ang nagsasalita ay nagtatanong
Inilalagay ito sa loob ng saknng kapag hindi sigurado ang nagpahayag sa kaniyang sinabi
Mga Halimbawa:
Saan ka nakatira?
Ano ang pangalan mo?
Masarap ba ang luto ni Maria?
ALAM MO BA?
Ang tandang pananong dati ay isang salita. Nagmula ito sa salitang Latin na 'questio' na ginagamit sa huli ng isang tanong. Nabago ito sa 'Qo' ngunit nang tumagal ay naging '?' na lamang.