Aralin I:
Aralin I:
Maligayang pagdating sa unang aralin! Sa araling ito, makikilala natin ang dalawa sa pinakaginagamit ng mga bantas sa mga sulatin: ang tuldok at ang kuwit. Bilang esensyal na mga simbolo sa pagsulat, nararapat lamang na maging mahusay sa paggamit ng mga ito. Kung kaya't simulan na!
Mga Nilalaman ng Aralin
Una nating tatalakayin ang depinisyon at gamit ng tuldok.
Ingles: Period/ full stop
Ang tuldok ay isang bantas na ginagamit sa dulo ng isang pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos, sa mga salitang dinadaglat o abbreviation at pagkatapos ng titik at numero.
Paturol o pasalaysay at pautos.
Mga Halimbawa:
Hindi madaling maging estudyate ngunit tunay na masaya ito.
Hindi maitatanggi na ang mga hirap na dulot ng pandemya.
Pakikuha naman ng mga gamit ko sa kwarto.
Ana, magsimula ka nang maglinis ng bahay.
Inilalagay sa mga salitang dinadaglat o abbreviation.
Mga Halimbawa:
Binibini – Bb.
Ginang – Gng.
Ginoo – G.
Doktor – Dr.
Barangay – Brgy.
Inilalagay pagkatapos ng titik ng numero
Mga halimbawa:
A. Mga Uri ng Bantas
B.
C.
1. Katangian ng isang Matiyagang Estudyante.
2.
3.
Sunod nating kilalanin ang kuwit.
Ingles: Comma
Ang kuwit ay ginagamit sa paghihiwalay ng mga sinipi o parirala sa loob ng isang pangungusap.
Paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri.
Mga Halimbawa:
Nay, kumusta naman diyan sa probinsya?
Una mo dapat igisa ang sibuya, bawang at kamatis.
Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pagkaibigan.
Mga Halimbawa:
Lubos na gumagalang,
Nagmamahal,
Mahal kong kaibigan,
Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno
Mga Halimbawa:
Si Maria, ang iyong kapatid, ay isa ng ganap na doktor
Si Mira, isang masipag na bata, ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo.
Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham.
Mga Halimbawa:
Mayo 28, 2021
Unit 3 Jersalem St., Villa Carpio Subd., Brgy. Parian, Calamba City, Laguna
Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ayon kay Gat. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”
“Matuto kang tumayo sa’yong sariling mga paa.” wika ng aking nanay.
At diyan nagtatapos ang ating unang aralin! Marahil ay kabisado ninyo na ang mga ito, ngunit mahalaga pa'rin na aralin itong muli upang ma-refresh ang ating isip sa mga ganitong paksa. Sa sunod na aralin, tatalakayin natin ang dalawa pa sa pinakamadalas gamitin sa mga sulatin: ang tandang pananong at padamdam.