Aralin II:
Aralin II:
Sa ikalawang aralin, tatalakayin natin ang mga bantas na tandang pananong at padamdam. Ito ay mga bantas na madalas nating ginagamit kung kaya't nararapat lang natin itong kilalanin.
Una nating talakayin ang Tandang Pananong.
Ingles: Question Mark
Ang tandang pananong ay ginagamit sa pagtatapos ng pangungusap kung ito ay patanong ang konteksto.
Ginagamit ito kung ang nagsasalita ay nagtatanong
Mga Halimbawa:
Maria, kumain ka na ba?
Saan ka pupunta?
2. Inilalagay ito sa loob ng saknong kapag hindi sigurado ang nagpahayag sa kaniyang sinabi
Mga Halimbawa:
Ang alloy ay isang element (?).
Si William Shakespeare (?) ay nag-alaga ng isang tuxedo cat.
Sunod naman nating kilalanin ang Tandang Padamdam.
Ingles: Exclamation Mark
Ang tandang padamdam ay ginagamit sa pagtatapos ng isang pangungusap upang magpahiwatig ng matindi na emosyon. Maliban dito, nagagamit din ang panandang ito sa dulo ng mga parirala at kataga.
Kapag ang pangungusap ay nagpapahiwatig ng matinding emosyon
Halimbawa:
Hoy Kristina, ligpitin mo naman ang pinagkainan mo!
Alfredo, bilisan mo at aalis pa tayo!
Nagagamit ito sa dulo ng mga maiiksing salita.
Halimbawa:
Hoy!
Aray!
Aba!
Nagagamit ito sa dulo ng mga parirala
Halimbawa:
Halika na!
Tara na!
Marahil ay pamilyar at bihasa ka na rin sa mga bantas na ito, ngunit mahalaga pa ring matalakay ang mga ito. Sa susunod na aralin, kikilalanin naman natin ang panipi. Magiging interesante itong aralin dahil mayroon pala itong sinusunod na tuntunin! Magkita-kita tayo sa susunod na aralin!