ARALIN V:
ARALIN V:
Ang tuldok-kuwit ay hindi maipagkakaila bilang isa sa mga hindi gaanong pamilyar na bantas. Kadalasan, ito ay pinapaltan ng tuldok o kuwit sa ibang mga pangungusap ngunit upang mas maipahayag sa mga mambabasa ang sulatin ng maigi, ito ay higit na nirerekomendang gamitin sa ilang mga sitwasyon.
Mga NIlalaman ng Aralin:
Ingles: Semicolon
Ang tuldok-kuwit ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay na hindi gumagamit ng pangatnig.
Sa katapusan ng bating panimula ng liham:
Halimbawa:
-Bb;
-Ginang;
Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa:
-Kumain ka ng maraming gulay; ito’y makapagpapalusog sa iyong katawan.
-Naguguluhan si Pedro sa kanyang lugar; binabalak na niyang lumipat ng ibang siyudad.
Sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, at gaya ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
-Maraming magagandang rosas sa Pilipinas na hindi na nabibigyan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
Talaga ngang interesante ang aralin! Ngayon, alam na natin kung paano ilagay ang ibang mga bantas kapag gumagamit ng tuldok kuwit. Mas magiging maayos na ang ating pagsulat sa mga tekstong may dalawang halos magkaparehong pangungusap. Halina't ating talakayin ang susunod na aralin, ang panaklong at braket.