Aralin VII:
Aralin VII:
Ang elipsis ay isang bantas na hindi kadalasang ginagamit, ngunit mahalaga upang mas maipahayag ang damdamin ng isang teksto. Halika't kilalanin natin ang simbolong ito!
Mga NIlalaman ng Aralin:
Noong nakaraang aralin ay natalakay natin ang braket. Ngayon naman ay humalina tayo sa elipsis, isang bantas na hindi gaanong kakilala ngunit mayroong makabuluhang epekto sa isang pangungusap.
Ingles: Ellipsis
Ang Elipsis ay ginagamit kapag nagpapahiwatig ng pagbitin ng nagsasalita sa karugtong ng kaniyang pangungusap.
Ginagamit ang bantas na ito kapag hindi lahat ng nais sabihin nang nagsasalita ay nabanggit nya. Nagpapahiwatig ito ng di-kumpletong pangungusap.
Mga Halimbawa:
Kung sa tingin mo ay mali ako…
Napakasama mo! Kaibigan mo ‘yon…
Ginagamit upang maipahayag ang saglitang pagtigil sa isang diyalogo.
Mga Halimbawa:
Pero... hindi naman tayo titigil, 'di ba?
Hindi ko kaya... malulungkot ako kapag nawala siya.
Maari din itong gamitin kapag ang nagsasalita ay mayroong mga salita na tinanggal niya sa kaniyang pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ang saya naman nito...na hindi gaanong nag-iisip ang mga tao. (Tinanggal ang sugnay na 'para sa mga opisyal').
Nakakalungkot naman...nawalan nanaman tayo ng pera. (Ang sugnay na 'para sa ating pamilya' ay tinanggal.)
Nawa'y naintindihan ninyo ang gamit ng elipsis! Sa susunod na aralin, tatalakayin naman natin ang gitling, gatlang em at gatlang en! Isa na namang interesanteng aralin!