BRAKET
Ingles: Bracket
Depinisyon: Ang uri ng bantas na ito ay nagpapahiwatig ng pagpapasimuno para sa karagdagan o panibagong impormasyon.
Mga Gamit
Ginagamit kung maglalagay ng karagdagang impormasyon sa loob ng isang panipi.
Ginagamit kung maglalagay ng karagdagang impormasyon sa loob ng isang panaklong.
Ginagamit sa pagsasalin ng wika sa isang pahayag o diyalogo.
Mga Halimbawa:
Ang sabi ni Gina, "Nais lamang nilang [ang mga oposisyon] pabagsakin ako sa posisyon."
Nakulong ulit si Brian matapos niyang barilin ang kasamahan. (Nakulong na siya noon dahil sa isang kaso [pagnanakaw], ngunit mukhang hindi siya natuto.)
Hinawakan niya ang kamay ko at saka marahan niyang sinabing, "Napakalahaga mo sa akin, Ria. Je t'aime [Mahal kita]."
ALAM MO BA?
Ang mga braket ay unang nakita sa manuskritong De nobilitate legum na isinulat ni Colluccio Salutati (isang Italyano) noong 1399.