Aralin IV:
Aralin IV:
Ang kudlit at tutuldok ay mga bantas na ginagamit sa pagpapaikli at paglalahad ng lupon ng mga salita, pagbati, at pagbibigay ng oras. Mas kilalanin nating mabuti ang kudlit at tutuldok sa araling ito.
Mga NIlalaman ng Aralin:
Noong nakaraang aralin ay natalakay natin ang panipi. Ngayon, kilalanin natin ang kudlit na halos kapareho ng itsura ng panipi.
Ingles: Apostrophe
Ang Kudlit o “apostrophe” sa wikang Ingles ay gumagamit ng simbolong kahawig ng panipi na ang ‘ ngunit ito ay kadalasang ginagamit ng mag-isa lamang.
Upang magpaikli ng ilang mga salita.
Mga halimbawa:
‘Yong - iyong
‘wag - huwag
n’yo – ninyo
‘yon - iyon
Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina- kaltas.
Mga halimbawa:
siya’t - siya at
ako’y - ako ay
ano’ng – ano ang
Ingles: Colon
Ang tutuldok o colon sa Ingles at ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag. Ito ay ginagamit rin upang mapag-isa ang mga kaisipan.
Ginagamit kung may mga lipon ng salitang kasunod
Mga Halimbawa:
Maraming mga sikat na pamilihan ng damit sa SM tulad ng: Penshoppe, Uniqlo, at Blue.
Marami kang makikitang halaman at puno sa aming bakuran kagaya ng: Alas Diyes, Orchids, Mangga, at Saging.
Pagkatapos ng pagbati sa pormal na liham
Mga Halimbawa:
Ginoong Juan de la Cruz:
Tita Cory:
Sa paghihiwalay ng minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa dula, at sa mga taludtod ng Bibliya
Mga Halimbawa:
4:00 am
Jeremiah 29:11
Marahil ay pamilyar na rin sa inyo ang dalawang bantas na ito, kung kaya't mas magiging wasto na ang paggamit niyo ng mga ito. Sa susunod na aralin, tatalakayin naman natin ang mga depinisyon, gamit, at mga halimbawa ng bantas na tuldok-kuwit!