Batas ng Bantas
Batas ng Bantas
Masayang pag-aaral kasama ang Batas ng Bantas!
Layunin ng aplikasyong ito ang makatulong sa mga mag-aaral sa pag-aaral nila ng wastong gamit ng mga bantas. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay mas magiging maayos ang paglalagay ng mga bantas sa mga sulatin at teksto.
SIMULAN ANG PAGLALAKBAY KASAMA ANG BATAS NG BANTAS!
Handa nang matuto?
Hasain natin ang iyong kaalaman ukol sa mga bantas. Magsimulang tignan ang mga aralin.
Nais makilala ang mga bantas?
Kilalanin isa-isa ang mga simbolong ginagamit sa mga teksto.
Nais sukatin ang kaalaman?
Kumuha ng mga pagtataya upang makita ang iyong kabihasaan sa paggamit ng mga bantas.
Mga Anunsyo
NEW! Hunyo 10, 2021
Magandang araw! Uploaded na ang Aralin VIII hanggang X. Naidagdag na rin ang mga bantas na gitling, gatlang em, and gatlang en. Nawa'y basahin at intindihin ang mga ito. Bilang karagdagang anunsyo, magaganap ang panapos na pagtataya sa Sabado, June 12. Magsasagot rin ng mgapuna o suhestiyon ukol sa aplikasyon. Maraming salamat, at masayang pag-aaral kasama ang Batas ng Bantas!
Hunyo 07, 2021
Magandang araw! Updated na ang Aralin V hanggang Aralin VII. Naidagdag na rin ang mga bantas na tuldok-kuwit, panaklong, braket, at elipsis. Manyaring basahin ang mga araling ito sa inyong libreng oras. Maraming salamat, at masayang pag-aaral kasama ang batas ng bantas!
Hunyo 04, 2021
Magandang Araw! Mangyaring sagutan muna ang paunang pagtataya bago libutin ang aplikasyon. Sampung (10) aralin at labing-apat (14) na bantas ang tatalakayin sa kabuuan ng eksperimento, ngunit apat na aralin at walong bantas na muna ang nasa loob ng aplikasyon upang mas maging sistematiko ang pag-aaral. Nasa ibaba ang kabuuang iskedyul:
Hunyo 4: Pagsasagot ng paunang pagtataya; Aralin I-IV
Hunyo 6: Aralin V-VII
Hunyo 8: Aralin 8-10
Hunyo 12: Pagsasagot ng Panapos na Pagtataya at Puna
Para sa mga karagdagang katanungan, makipag-ugnayan sa group chat o kausapin via PM sa messenger ang mga mananaliksik. Maraming Salamat!