ANG SARILI KONG MUNDO
Romarie Car Dela Rosa
Sisimulan ko sa pang ngiti mo,
Tutal, doon din nagsimulang tumibok ang puso ko.
At kung iniisip mo kung saan ko tatapusin ito?
Siguro kapag ako na yung pinili mo.
Sobrang ganda ng mundo, parang ikaw sa mga mata ko!
Hindi mapagkakaila ang ganda ng ngiti ko dahil totoo ikaw na tong gusto ko!
Nakakainis kasi yang mga mata mo bakit hinuli yung puso ko?
Iba kasi yung awra mo sis
Hindi ko alam kung kamag anak ka ba ng mga bulalakaw
Dahil mata ko'y sayo'y lagi nakasubaybay.
Oo adik ako!
Adik sayo!
Marahil hibang lang ako
O sadyang sayo, nahulog na to.
Teka, mali,
Baka Mali,Parang Mali
Maling mahulog ako.
Hindi ko mawari kung sintigas ba ng bato iyang puso mo
O ramdam mong, ikaw ang nais ko.
Minsan, sinusubukan ko nalang pagmasdan ang kalawakan
Tutal doon rin naman kita matatagpuan
Isa ka kasi sa pinaka maliwanag na bituin
Bituin, na marami ang nagnanais abutin.
Kaya siguro, dudungaw nalang ako sa bintana
Titignan ka sa malayo.
Kikiligin ng patago
At hihiling nalang sa mga tala
Luluhod sa buwan
At susubukang pilitin ang bulalakaw
Na baka balang araw, ikaw yung unang mag paramdam.
Dahil sa totoo lang
Matapang ako
Pero pag dating sayo?
Ni hindi ko masabi yung nararamdaman ko.
Siguro ikaw na nga yung kahinaan ko
Na hinihiling ko..
Na sana balang araw,
Maging kalakasan ko.
Natatakot ako
Na baka mamaya, kapag sinubukan ko nang ipagsigawan kung sino talaga tong paksa ng aking tula
baka mamaya tumawa lamang sya bigla at isantabi ang ginawa kong tula.
Kaya ngayon, hindi ko man lamang mai titig ang aking mga mata sayo.
Baka kasi mamaya lumingon ka,tapos tignan mo ko sabay ngiti ng bahagya
Kapag nangyari kasi iyon, baka tuluyan na akong mahulog.
Alam mo naman na hindi ako ganoon ka lakas.
Sinusubukan kong lumaban, pero hindi talaga patas.
Kasi ikaw yung gusto ko, pero baka iba yung gusto mo.
Siguro? Ititigil ko nalang ito?
Pag ka bilang ko ng tatlo,
Hindi na ikaw ang gusto ko
Hindi na ako aasa pa sayo.
Isa,
Dalawa,
Apat,
Pasensiya!
Patawad!
Hindi naman sa hindi ako marunong bumilang, siguro sa ngayon hindi ko lang kayang Ikaw ay pakawalan
Kahit na sa una palang, wala na akong karapatan.
Kaya kapag natapos na itong tula,
Gusto kong malaman mo na nung nabighani ako ng mga mata mo pakiramdam ko panalo na ako kahit hindi ako yung piliin mo sa dulo.