Matapos maunawaan at maintindihan ang teksto, narito ang mga katanungan na maaring tumulong sa iyo upang suriin kung ano na ang iyong natutunan.
I. Piliin ang titik ng tamang sagot
Ito ay kailangan upang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhanat masalanta ng kalamidad.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Response
C. Disaster Prevention and Migitation
D. Disaster Rehabilitation and Recovery
2. Ang CBDRR ay may apat na assessment para sa pagpigil/pag-iwas para sa panganib, isa rito ang:
A. Damage Assessment
B. Predicting Assessment
C. Doing Assessment
D. Risk Assessment
3. Ang Hazard Assessment ay may dalawang bahagi ang pisikal at temporal. Sa ilalim ng pisikal, ano ang ibig sabihin ng Predicatability?
A. Panahon kung kailan maaaring maranasan ang hazard.
B. Panahon na sinabi sa baraha.
C. Panahon kung ano ang sinabi ng mahiwagang bola.
D. Pag-alam ng uri ng hazard.
4. Maaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig, dala ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal-wave at iba pa.
A. Force.
B. Speed On Set
C. Duration
D. Frequency
5. Ang Assessment na ito ay sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
A. Hazard Assessment
B. Vulnerability Assessment
C. Capacity Assessment
D. Risk Assessment
6. Pang-ilang yugto ang Disaster Preparedness?
A. Ika-unang Yugto
B. Ika-lawang Yugto
C. Ika-tatlong Yugto
D. Ika-apat na Yugto
7. Bago tumama at maging panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may pangunahing layunin. Ito ay maliban sa:
A. To Inform
B. To Conduct
C. To Advice
D. To Instruct
8. Ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasying makukuha sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
A. Disaster Prevention and Migitation
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response
D. Disaster Rehabilitation and Recovery
9. Ang Disaster Response ay may tatlong uri ng pagtataya, ito ay maliban sa:
A. Needs Assessment
B. Damage Assessment
C. Casualties Assessment
D. Loss Assessment
10. Ang Disaster Rehabilitation and Recovery ay:
A. Kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
B. Ito ay isinasagawa upang maiwasan ang paglawak ng pinsala sa tahanan o komunidad dulot ng hazard.
C. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad, at hazard na may layuning maiwasan at mapigilan ang malawakang pinsala sa tao.
D. Nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istraktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
By: LYKA LEONNA PATRICIO