PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN
YUNIT 4 ARALIN 1
A.) Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa; sa kahalagahan ng pagkamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
B.) Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko. (AP10PKK- IVa-1 )
Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan. (AP10PKK- IVb-2 )
Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong panlipunan.
(AP10PKK- IVc-3)
LAYUNIN:
Nasusuri ang mga PAGBABAGO SA KONSEPTO ng pagkamamamayan.
Naipaliliwanag ang mga KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
LIGAL NA PANANAW
PAGKAMAMAMAYAN
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan.
Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod- estado na tinatawag na POLIS.
ANG POLIS
Ang tawag sa unang pamayanan sa Greece ay polis.
Binubuo ng magkakamag-anak at ISANG HARI.
Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ayon sa orador ng Athens na si PERICLES,
Hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng:
Pampublikong asembliya at paglilitis.
Maaaring politiko
Administrador
Husgado
Sundalo
Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang ISANG LIGAL na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang pamayanan.
Ayon kay MURRAY CLARK HAVENS (1981),
Ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidual at ng pamayanan.
Sa Pilipinas, makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga KARAPATAN AT TUNGKULIN bilang isang citizen.
Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto.
IKAAPAT NA ARTIKULO NG SALIGANG BATAS NG 1987 NG PILIPINAS
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng PILIPINAS.
(2) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.
SEKSYON 2.
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging MAMAMAYANG PILIPINO
SEKSYON 3.
Ang pagkamamamayang Pilipino ay MAARING MAWALA o MULING MATAMO sa paraang itinatadhana ng batas
SEKSYON 4.
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSYON 5.
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Dahilan kung bakit siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.) Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;
2.) Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
3.) Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
-Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan-
● JUS SANGUINIS
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa PILIPINAS.
● JUS SOLI O JUS LOCI
Pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa AMERIKA.
KATANGIAN NG ISANG MABUTING MAMAMAYAN Yeban (2004)
ang isang RESPONSABLENG MAMAMAYAN ay inaasahang:
1. MAKABAYAN - nagpapahiwatig ng Positibong pag-uugali ang isang tao sa kanyang sariling bansa.
4. May PAGPUPUNYAGI sa mga bayani.
5. May DISIPLINA sa sarili.
3. May RESPETO sa karapatang pantao.
Simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin:
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod- bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
BY: GROUP ASO
PASCUA, KURT M.
IMPERIAL, EDRIAN S.
BENJAMIN, JOMAR C.
VICENTE, ZANDER KIEN R.
BANDOLA, GENELLE JOY B.
SUMALO, JAMELA S.