ARALIN 01 : GLOBALISASYON
LAYUNIN:
- Mailahad ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan.
- Makapagbibigay ng impormasyon sa konsepto at dimensyon ng globalisasyonbilang isa sa mga isyung panlipunan.
- Nakapagmamasid ng masuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan
Ano ang dapat mong malaman?
Globalisasyon
HALIMBAWA:
- PAgkalat ng mga multinational at transnational corporations sa iba't ibang bansa (halimbawa: mcdo , Burger King , Toyota , Lenovo at iba pa sa iba't ibang parte ng mundo.)
- Paglawak ng paggamit ng internet (halimbawa; FACEBBOOK )
- Paglaganap ng mga imported na produkto (halimbawa: Hersheys , Cadbury , Pringles )
- Pagkakaroon ng mas malayang interakyon ng mga bansa (halimbawa:ASEAN integration sa pagitan ng mga bansa
Ayon kay Ritzer (2011)
- Ang globalisasyon ay ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao , bagay , impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig.
- ito ay itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao , kompanya , bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng KALAKALANG PANLABAS
Bakit maituturing itong isang isyu?
Ayon kay Ada (2017)
- Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sakapgkatv tuwiran NITONG BINABABO AT HINAHAMON ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag.
- Ang pamilya , simbahan , pamahalaan , at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyon nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito.
Ayon kay Macromer Luis (2018)
- Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal na produkto o serbisyo.
- Sa madaling salita , ang globalisasyon ay ang PAGTUTULUNGAN ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa mga bawat bansa.
- Hmm..."Kaya pala ang prosesong ito ay umiiral , ang mga taong nagkakaroon ng pandaigdigang PALITAN NG MGA PRODUKTO , at impormasyon".
NAYAN CHANDA( 2007 )
5 perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon :
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa.
-Ayon kay Nayan Chanda, ang KAGUSTUHAN NG TAO na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtulak sa tao upang makipagkalakalan , manakop , at maging manlalakbay.
Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago -Scholte (2005)
May anim na wave ng pangyayari na siyang binibigyang diin ni Therborn (2005). Maipapakita sa charts sa ibaba:
Panahon Katangian
4th to 5th Century *Globalisasyon ng reliheyon (paglaganap ng
islam at Kristiyanismo.
Late 18th - early 19th Century *Digmaan sa pagitan ng mga bansa Europe
na nabibigay-daan sa globalisyanon.
Mid 19th Century -1918 *Rurok ng imperyalismong Kanluranin
Post World War ll *Pagkakahati ng daigdig sa dalawang
puwersang ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.
Post Cold War
- Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbibigay daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto , serbisyo , ideya , teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States.
- Ang globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan..ilan dito ang sumusumod:
*Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998).
*Paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng imperyong Romano.
*Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo.
- Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang Globalisasyon ay penomenang nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.