MULTIPLE CHOICE: Basahin ng mabuti at piliin ang tamang sagot.
Kailan binaril ang batang babaeng si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan sa kadahilanang pinaglalaban niya ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon sa pakistan?
A) Oktubre 16, 2012
B) Oktubre 9, 2012
C) Oktubre 6, 2012
D) Oktubre 19, 2012
Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
A) Foot binding
B) Breast ironing o breast flattening
C) Female infanticide
D) Boxer codex
Ito ay mga gawaing nagdudulot ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit, at pagsikil ng kalayaan.
A) Karahasan
B) Diskriminasyon
C) Pang-aabuso
D) Pananakit na seksuwal
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
A) Panggagahasa laban sa mga lesbian at pagpatay sa mga taong LGBTQ
B) Violence against women
C) Domestic violence o karahasan sa loob ng tahanan
D) Female genital mutilation
Ang breast ironing o breast flattening ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ang pagsasagawa nito ay may ibat ibang dahilan at ito’y upang may maiwasan ang kababaihan MALIBAN SA ISA:
A) Pagkagahasa
B) Paghinto sa pag-aaral
C) Pagkakaroon ng relasyon sa kalalakihan kahit wala pa sa wastong gulang
D) Maagang pagbubuntis ng anak
Ayon sa ______ , anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal, pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A) Gabriela
B) UNESCO
C) WHO
D) UN
Hanggang ilang pulgada isinasagawa ang foot binding ng mga sinaunang babae sa China?
A) Tatlong pulgada
B) Dalawang pulgada
C) Isang pulgada
D) Apat na pulgada
Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na nagiging sanhi ng hindi pagkilala at paggalang ng mga karapatan o kalayaan.
A) Karahasan
B) Diskriminasyon
C) Bayolente
D) Pagmumura
Ang karahasan sa kababaihan ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng iyong tahanan subalit inaakala ng iba na ito ay natural lamang at bunga ng pagiging mahina ng kababaihan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A) Oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medical, pabahay at maging edukasyon
B) Breast ironing o breast flattening
C) Panggagahasa laban sa mga lesbian pagpatay sa mga taong LGBTQ
D) The women's rules and regulations
Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng _________ mula sa kanilang mga asawa.
A) Panggagahasa
B) Pagmamaltrato
C) Pambubugbog
D) Pagseselos