Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng PILIPINAS.
(2) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang.
SEKSYON 2.
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging MAMAMAYANG PILIPINO
SEKSYON 3.
Ang pagkamamamayang Pilipino ay MAARING MAWALA o MULING MATAMO sa paraang itinatadhana ng batas
SEKSYON 4.
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSYON 5.
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Dahilan kung bakit siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.) Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;
2.) Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
3.) Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
-Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan-
● JUS SANGUINIS
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa PILIPINAS.
● JUS SOLI O JUS LOCI
Pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa AMERIKA.
KATANGIAN NG ISANG MABUTING MAMAMAYAN Yeban (2004)
ang isang RESPONSABLENG MAMAMAYAN ay inaasahang:
1. MAKABAYAN - nagpapahiwatig ng Positibong pag-uugali ang isang tao sa kanyang sariling bansa.
4. May PAGPUPUNYAGI sa mga bayani.
5. May DISIPLINA sa sarili.
3. May RESPETO sa karapatang pantao.
Simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin:
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod- bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
BY: GROUP ASO
PASCUA, KURT M.
IMPERIAL, EDRIAN S.
BENJAMIN, JOMAR C.
VICENTE, ZANDER KIEN R.
BANDOLA, GENELLE JOY B.
SUMALO, JAMELA S.