Aralin 06: PAGBANGON NG MGA MANGGAGAWA
Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba't ibang suliranin sa paggagawa.
Masusuri ang opinion upang malutas ang ibat ibang suliranin sa paggawa;
Nakabubuo ng mga suhestiyon upang malutas ang ibat ibang suliranin sa paggawa;
Makapagbibigay ng impormasyon upang malutas ang ibat ibang suliranin sa paggawa;
-Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa at determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan.
-Kung ang mga kapitalista ay mulat na sa kalakaran na maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na kailangan maging mulat bilang uri at maging alerto ang mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor.
-Kailangan din ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat. pagoorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi- regular man o hindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa.
-Mas paigtingin ang pagoorganisa at pagpapakilos sa mga manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan, pagsulong sa ibang probisyon ng DO 18-A, na angkop para maisagawa ang bagong kaayusan sa paggawa.
-Sa kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa.
-Sapagkat mahihirapan ang mga mamumuhunan, negosyante at may-ari ng Transnational Corporations {TnCs} na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang umiiral sa ilang bansa na kakompetensya ng sariling bansa sa produksyon, katulad ng China na may mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan dahil sa mababa, mura at flexible labor.
PIGURA 2.2 MGA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA AYON SA INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION {ILO}
Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malayo mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na magisa.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan, dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang pamimilit o 'duress'.
Bawal ang mabibigat na anyong trabahomg pangkabataan, samakatwi'd mayroong minimang edad at mga kalagayang pangtratrabaho para sa mga kabataan.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho; pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
Ang mga kalagayan ng pagtratrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. pati kapaligiran at oras ng pagtratrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
PANUTO: itala mo sa unang bahagi na 'K' ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggagawa na iyong sa komunidad, sa ikalawang bahagi naman na 'K' ilagay kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga mangagawang pilipino. sa bahagi ng 'P' naman ay ilahad ang mga programa ng mga lokal na pamahalaan para bigyan solusyon ang mga isyung ito. sa panghuling hanay na 'G' naman ay magbigay ka ng iyong mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa inyong munisipalidad.
lv_0_20230612171349.mp4
lv_0_20230612171609.mp4