Upang higit na lumawak ang kaisipan
ungkol sa paksang tinalakay Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng babae at lalaki sa iba't ibang panahon sa iyong pamayanan. Alamin din kung paano ang katayuan/gampaning ito nakaapekto sa pang-unlad nito. Ibahagi sa klase ang ginawang pananaliksik. (Maari itong, pakita sa iba't ibang malikhaing paraan.)
Nabatid mo sa katatapos na paksa ang papel ng mga babae at lalaki sa iba't ibang panahon, ng kasaysayan ng Pilipinas.
KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS
• teksto na mula sa akda ni Dr. Michael L. Tan (2014) "LGBT in Asia: The Philippines Country Report'
• Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo,
BABAYLAN
Mayroon ding-lalaking babaylan-halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo na hindi lamang - nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
• Sila ay kinilala sa lipunan na may simbolikong "TILA-BABAE."
•Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, GINAGAYA RIN nila ang mismong kilos ng mga babae,
• Habang sila ay tinatanggap at iginagalang sa lipunang pre-kolonyal, para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay hindi lamang nakalilito, sila rin ay KINATATAKUTAN dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon
DEKADA 60
ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang PHILIPPINE GAY CULTURE sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homo-seksuwalidad.
• Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores
• Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa
• Ginamit ang salitang "gay" at "lesbian' ay lumabas para magkaroon ng isa pang
• pagkakakilanlan. Ito ay sinundan ng pag-usbong ng mga biseksuwal, transgender na naghahanap din naman ng pagkakakilanlan sa komunidad.
SA HULING BAHAGI NG DEKADA 80 AT UNANG BAHAGI NG DEKADA 90
• Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di- kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women's Day noong Marso 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
• maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. Maibibigay na halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad
LADLAD
• Isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng GAY COMMUNITY na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993.
Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go- Singco Holmes na "A Different Love: Being Gay in the Philippines"noong 1994.
DEKADA 90
• Ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992
• Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LEAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan Citizen's Action Party
• Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group - ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB- noong 1999.
• Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang Ladlad. Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan.
• Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika- 10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.