ANYO NG GLOBALISASYON
layunin:
Masusuri ang implikasyon ng iba't ibang anyo ng globalisasyon sa lipunan
Makapagbigay ng impormasyon tungkol sa implikasyon ng iba't ibang anyo ng globalisasyon sa lipunan
Mapapahalagahan ang iba't ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon
Globalisasyong Ekonomiko
Sentro sa isyung globalisasyong ekonomiya na umiinog sa KALAKALAN ng mga produkto at serbisyo.
-Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking KORPORASYON
-Batay sa datos ang ilan sa mga MNC'S at TNC'S ay higit pa ang kinikita sa GROSS DOMRSTIC PRODUCT (GPD) ng ilang mga bansa
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?
*URI NG KORPORASYON
A.) TRANSNATIONAL COMPANIES
Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag sa pasilidad sa ibang bansa
-Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, IT. Consulting pharmaceutical, at mga kauri nito
B.) MULTINATIONAL COMPANIES
Tumutukoy sa pagkalahatang katawagan na tumutukoy sa nga namumuhunang kompanya sa isang bansa at nagkakaroon din ng operasyon sa higit na isang bansa.
OUTSOURCING Imported Appliances From Japan
-Mula sa pagkuha ng kompanyang serbisyo sa iba pang kompanya ay may kaukulang bayad.
-PANGUNAHING LAYUNIN nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga
-HALIMBAWA nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito.
-Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang
Uri ng outsourcing batay sa layo ng pagmumulan ng kompanyang magbibigay ng produkto o serbisyon:
1.) OFFSHORING - pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad
HALIMBAWA Ang paggawa ng mga IPHONE sa china kaysa sa USA dahil mas mahal ang pagpapagawa sa US ay maituturing na Offshoring
2.) NEARSHORING- Ang Kumpanya sa Mexico at canada ay makapagbawas ng gastos sa tauhan kaya MALAKING tulong kung malapit ang bansa na MAGBIBIGAY SERBISYO
3. ONSHORING - Ay ngangahulugan ng pag-aangkat ng serbisyo mula sa isang bansa
HALIMBAWA na dito ang mga pagawaan ng MEPZA CEBU
- Mas nakatitipid ang mga negosyo sa pamaraang ito sapagkat hindi na nila kailangan pang kumuha ng taga-labas na manggagawa at isa rin naman itong tulong para sa mamamayan na nabibiyaan ng mga trabaho mula dito.
OFW BILANG Manipestasyon sa Globalisasyon Sa katunayan, malaking hagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba't ibang panig ng daigdig partikular sa TIMOG-KANLURANG ASYA tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at SILANGANG ASYA tulad ng South Korea, Japan, Taiwan, Hong Kong at China.
Globalisasyon Teknolohikal at Sosyo-Kultural
Mabilis na matangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang paggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa maunlad na bansa. Partikular na dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas
Nakatutulong ang mga teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay na nakakahingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad
Isa rin dito ang mabilis na transaksyon sa pagitan ng mga tao
Napapabilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala bilang e-commerce.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop-culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela at mga kauri nito.
Ang lakas ng impluwensya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at MySpace ay ang pagbibigay kakayanan sa mga ordinaryong mamamayan na ipapahayag ang mga kanilang saloobin sa iba't ibang paksa o usapin.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning:
- May kinalaman sa pagkalat ng iba't ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng ELECTRONIC FILES
- Pagkakataon na makagawa ng Intellectual dishonesty dahil sa madaling PAG-COPY AND PASTE ng mga impormasyon dahil sa internet.
- Isyu ng PAMBANSANG SEGURIDAD, ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan ng mga target nito.
-GLOBALISASYONG POLITIKAL na maituturing ang MABILISANG UGNAYAN sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
- Ang ugnayang diplomatiko ng pilipinas sa AUSTRALIA,CHINA,JAPAN,SOUTH KOREA,THAILAND,USA at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiya at pangkulutural sa magkabilang panig.
HALIMBAWA nito ang economic and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa pilipinas.
- Nariyan ang military assistance ng US, at mga tulad nito.
PAGHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON
A. Guarded Globalization
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
* Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa.
* Pagbibigay ng subsidiya (subdibies) sa mga namumuhang lokal.
B. Patas o pantay na kalakalan (Fair Trade) Ayon sa international fair trade association (FITA) it ay tumutukoy sa pangangalaga sa lipunan pang-ekonomiko at pampapolitikal na kalagayan ng maliliit namumuhunan
C. Pagtulong sa BOTTOM BILLION Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinakaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa ASYA lalo’t higit sa Africa