Aralin ll:
ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN
Natatalakay ang kahulugan ng lipunan at ang mga bumubuo dito.
Maisa-isa ang mga SOSYOLOGONG nagbigay ng pahayag sa pakahulugan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.
Nasusuri ang ISTRUKTURANG PANLIPUNAN at ang mga elemento nito.
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
"Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung nagaganap ang mga pangyayari at gawain."
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba ngunit magkaka-ugnay na pangkat at institusyon.
Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.
"Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan."
Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.
"Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin."
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.
I. Institusyon
II. Social Group
III. Status (Social Status)
IV. Gampanin (Roles)
Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ang institusyong panlipunan ay binubuo ng mga sumusunod:
A. Pamilya
B. Paaralan
C. Ekonomiya
D. Pamahalaan
E. Relihiyon
Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.
Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay mag aaral o kaya naman ang iba sa kanila ay magtatrabaho.
Ito ang nagsisilbing pangalawang tahanan kung saan ang kakayahan at karunungan ay patuloy na hinuhubog at nililinang upang maging produktibong mamamayan.
Kumakatawan ito sa mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto.
Tungkulin nitong mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan, pagsusulong ng programang pangkaunlaran at pangangalaga sa estado at mamamayan.
Sa pagtupad ng ating tungkulin naghahangad tayo ng kaligtasan at nagdarasal na maging ligtas ang mahal natin sa buhay.
Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa. Ito ay binubuo ng dalawang uri:
A. Primary Group
B. Secondary Group
Ito ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroong maliit na bilang lamang.
Ito ay binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa.
Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain.
Bakit nagkaroon ng hindi magandang ugnayan sa pagitan ng manggagawa at may-ari/amo?
Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Mayroon itong dalawang uri ng status:
A. Ascribed Status
B. Achieved Status
A. Ascribed Status
Naitalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak.
Halimbawa: Gay at Lesbian
B. Achieved Status
Naitalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.
Halimbawa: Si Santiago ay naging sundalo dahil sa kaniyang pagsusumikap.
IV. Gampanin (Roles)
Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan.
John F. Kennedy
Maraming Salamat!
Ginawa ni Carl Andrei Angtui