<Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan.
<Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging it0 man ay pansamantala o permanente.
-Ayon sa commission on filipinos overseas, may tinatayang 8.6 milyong mga pilipino noong 2009. ang naninirahan sa ibat ibang bansa.
-Sa loob naman ng pilipinas, nakatatanggap ng pinakamaraming migranteng pilipino ang malaking lumgsod, lalo na sa kalakhang maynila.
ANO ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING PILIPINO ANG NANGINGIBANG POOK?
Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang buhay.
Paghahanap ng ligtas ng tirahan.
Panghihikayat ng ibang pamilya o kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
Pagaaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisyado.
-Ang armm ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa buong pilipinas.
;Ito rin ang nakakaranas ng maraming taong lumipat ng tirahan upang makahanap ng panustos sa pang-araw araw na pangangaialangan.
-Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsyento ng populayon sa buong mundo.
-Ang 48 porsyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay.
-Noong 2013, nagmula sa asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
-Karamihan sa mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. mahigpit pa sa 90 porsyento ay mga manggagawa kasama na ang kanilang pamilya.
- Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-24.
Sa pagaaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa didiplinang ito. una rito ay ang pagkakaiba ng....
FLOW - ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa ibang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow,entries,or immigration.
-kasama din dto ang bilang ng mga taong umalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration,departures,or outflows.
-kapag ibinabawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net.
STOCK- ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nanatili sa bansang nilipatan.
-mahalaga ang flow sa pagunawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon .
EPEKTO NG MIGRASYONG PANLOOB SA PILIPINAS;
MABUTI- nagkakaroon ng panustos sa pang araw-araw na pangangailangan ang isang taong makakahanap ng hanapbuhay sa kanyang paglipat ng lugar.
DI-MABUTI -labis na dami ng tao sa iisang lugar at nagsisikip ang mga tao sa lungsod. nahihirapan ang mga gobyerno na magbigay ng serbisyo sa dumaraming bilang ng tao sa lungsod. kakulangan ng sapat na trabaho.
EPEKTO NG MIGRASYONG SA EKONOMIYA;
-Ayon sa bangko sentral ng pilipinas, malaki ang naitutulong ng remittances ng ofw's sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
EPEKTO NG MIGRASYONG SA KARAPATANG PANTAO;
-Pagsasakrapisyo ng mga filipino ofw.
-Pangaabuso ng mga recruitment agency.
-Nagiging biktima ng iternational syndicate o organized crime syndicate.
EPEKTO NG MIGRASYONG SA EDUKASYON;
-Malaking demand para sa mga skilled workers at mga propesyunal.
-Maraming kabataang ang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng engineering, at ibp. dahil mataas ang demand.
EPEKTO NG MIGRASYONG SA POLITIKA;
-R.A. No. 9189 o absentee voting act of 2003
-R.A. No. 8042 o migrant worker and other filipinos act of 1995 upang lalong maprotektahan ang mga migranteng ofw.
GLOBALISASYONG MIGRASYONG;
-Tumataas ang bilang ng mga bansang nakakaranas at naapektuhan ng migrasyon.
-Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada, at United states ay patuloy paring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmulan ng mga ito.
-Malaking bilang ng mga migrante ay ang mula sa mga bansa sa asya, latin amerika at aprika.
-Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin ng mga bansang nabanggit sa binasang teksto? ipahayag ang iyong saloobin.
MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON;
< Ang kapal o ang dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa ibat ibang rehiyon sa daigdig.
< Malaki ang implikasyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatupad sa mga destinasyong bansa.
PAGKAKAIBANG URI NG MIGRASYON;
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito.
-May mga bansang nakakaranas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
-Bukod sa nabanggit mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants.
IRREGULAR MIGRANTS; ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para makapagtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may akdang panahon....Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyente na maaari lamang manirahan.
Ay overseas filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Mayroong mga salik ng migrasyon na tumutulak at humihila;ang mga ito ay makikita sa aspekto ng ekonomiya, lipunan at kapaligiran
Maraming mabuti at di mabuting epekto ang migrasyon sa lipunan, Politika, at kabuhayan ng isang bansa.
Naaapektuhan ng migrasyon ang ugnayang panlabas ng pilipinas.
Maraming hamon na kinakaharap ng mga migranteng pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. Kabilang dito ang maprotektahan ang kanilang karapatang pantao. Maging ligtas sa anumang gulo at mabigyan ng sapat na tulong sa mga nasasakdal.