LAYUNIN:
Nailalahad ang konsepto ng kontemporaryong isyu.
Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
KONTEMPORARYONG ISYU
Tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, at opinyon o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANLIPUNAN
Sakop ng konsepto na ito ang mga sumusunod:
Halalan
Terorismo
Rasismo
Isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang populasyon ay pumipili ng mg indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina.
Ang paggamit ng dahas, pananakot, o paninindak upang makamit ang mga layunin.
Sa ilang kaso ng institusyonal na rasismo, may ilang pangkat ng lahi ang maaaring hindi bigyan ng karapatan o benepisyo, o makakuha ng preperensiyal na trato.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKALUSUGAN
Sakop ng konsepto na ito ang mga sumusunod:
Sobrang katabaan
Kanser (Cancer)
HIV/AIDS
Drug Addiction
Sa madaling salita, mayroong labis o sobrang timbang ang isang tao dahil sa taba sa katawan.
Pangunahing isang sakit na pangkapaligiran (environmental) na ang tinatayang 90-95% na mga kaso ay itinuturo sa mga paktor na pangkapaligiran at ang mga kasong 5-10% nama'y sanhi ng gene.
Pangunahing sakit na naisasalin sa pamamagitan ng hindi ligtas na pakikipagtalik, nahawaang dugo at mga karayom, at ina tungo sa anak sa pamamagitan ng pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso.
Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganitong nang kalagayan, o ng taong nakasanayan na ang paggamit ng mga ganitong uri ng gamot sapagkat matindi na ang kanyang pagkasugapa sa ipinagbabawal na gamot.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
Sakop ng konsepto na ito ang mga sumusunod:
Global Warming
Lindol (Earthquake)
Bagyo (Typhoon)
Polusyon (Pollution)
Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapapanot ng kagubatan, pagsasaka at iba pang mga kagagawan ng mga tao ang siyang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
Isa sa pinakanakakatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan ay ang matinding lindol at ang mga maaaring epekto nito pagkatapos.
Isang sistema ng klima na kung saan may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar.
Ang polusyon sa kapaligiran ay isa sa mga pangunahing problema na direktang nakakaapekto sa kalusugan ng parehong mga nabubuhay, ang planeta at mga tao. Ang polusyon na ito ay nagdaragdag araw-araw dahil sa pag-unlad ng lipunan at pang-industriya.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKALAKALAN
Sakop ng konsepto na ito ang mga sumusunod:
Export / Import
Online Shopping
Free Trade
Samahang Pangdaigdigan
EXPORT
-Pagpapadala o pag-aangkat ng mga produkto mula sa ating bansa patungo sa ibang bansa.
IMPORT
-Pag-aangkat ng mga produkto na galing sa ibang bansa patungo at dadalhin sa Pilipinas.
Pagbili ng mga kalakal o produkto online sa pamamagitan ng social media.
Pakikipagpalitan ng produkto.
Binubuo ng iba't ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan o kapayapaan.
KAHALAGAHAN PARA SA MAG-AARAL NG KAMALAYAN SA KONTEMPORARYONG ISYU SA LIPUNAN NG DAIGDIG
Nalilinang ang kritikal na pag-iisip.
Naiuugnay ang sarili sa isyu.
Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu.
Nahahasa ang iba't ibang kasanayan at pagpapahalaga.
DAGDAG KAALAMAN:
Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin.
Kabilang din ang mga napag-usapan noon subalit buhay pa rin mapahanggang ngayon.
Magaling!! Matapos maunawaang mabuti ang seleksyon sa itaas, maari lamang na sagutan ang mga sumusunod na gawain. Pindutin ang "button" sa ibaba.
MARAMING SALAMAT !!!