Matalakay ang mura at flexible labor sa bansa;
Natataya ang batas sa paggawa na may kaugnayan sa mura at flexible labor.
Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng "mura at flexible labor" sa bansa.
Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupag ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
flexible labor market
Ang isang flexible labor market ay karaniwang nangangailangan ng mga batas sa pagtatrabaho na nagbibigay-daan para sa madaling pagkuha at pagpapaalis ng mga empleyado at sinumang handang magbayad ng mura para sa pagtatrabaho.
Ito ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor.
Subalit nahirapan ang dating Pangulong Marcos na maipatupad ang flexible labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang anti-diktatudura hanggang sa pagsiklab ng pag aalsa ng EDSA noong 1986.
Isinunod dito ang pagsasabatas ng RA 5490 - para itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ), at iba pang Economic Processing Zone (EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan.
Batas kung saan nagkaroon ng pagpapakontrata ng mga trabaho (CONTRACTUALIZATION)
Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang manggagawa.
Niyakap ang neo-liberal ng globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa mga dayuhang mamumuhunan ang kalagayan ng paggawa.
Isa itong patakaran ng panlilinlang, na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang "malayang panlilinlang" kapitalismo.
Isinunod na ng gobyerno ang mga patakarang magpapalakas ng flexible labor gaya ng Department 10 No. 10.
Nilalaman ng Department Order No. 10 ng DOLE ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya.
Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagsundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa, - bawal ang lahat ng anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o 'duress'.
Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
Bawal ang lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong nagtatrabaho.
Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat dapat para sa makataong pamumuhay.
MARAMING SALAMAT!