DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE, AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE, AT LGBT
Tutorial
INAASAHANG MATUTUNAN:
Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT
- ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na nagiging sanhi ng hindi pagkilala at paggalang ng mga karapatan o kalayaan.
- isang uri ng diskriminasyon at karahasang nangyayari dahil sa di-pantay na relasyong kapangyarihan at batayang inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit, at pagsikil ng kalayaan.
SI MALALA YOUSAFZAI AT ANG LABAN SA EDUKASYON NG KABABAIHAN SA PAKISTAN
Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon.
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.
Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taliban o isang grupo ng Islam na naglalayong palakasin ang kontrol ng Islam sa mga bansa kabilang na ang Pakistan.
Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Shaira ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral.
Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na makapag-aral.
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos niyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at pangaral ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig.
Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at non-government organizations o NGOs gaya ng United Nations atbp.
(Hal. Malala Yousafzai)
- Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal, pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
a.) Pambubugbog/pananakit
Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
b.) Panggagahasa
Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng rape mula sa kanilang mga asawa.
c.) Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso
i. Sexual harassment
ii. Sexual exploitation
iii. Sex trafficking at prostitusyon.
- Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
- Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
- Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
- Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
- Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
- Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang
(a.) maagang pagbubuntis ng anak;
(b.) paghinto sa pag-aaral;
(c.) at pagkagahasa.
MARAMING SALAMAT !!