GAWAIN 2
(FIND YOUR RIGHTS):
Panuto:Hanapin ang tamang sagot sa ipinapahayag sa pinasimpleng bersyon ng mga Artikulo ng Universal Declaration of Human Rights sa tanong sa tulong ng ibinigay na pagpipilian (10 pts)
1.)Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao’y may karapatang makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap na lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao.
a. Right to Social Security
b. You Have Rights No Matter Where You Go
c. Right to Work
d. We're All Equal Before the Law
2.) Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao’y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan.
a. The Right to Life
b. Right to adequate standard of living
c. The Right to Seek a Safe Place to Live
d. Right to a free and fair world
3.) Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao'y may karapatan sa hukumang pambansa tungkol sa mga gawaing lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kaniya ng saligang batas o ng batas.
a. Your Human Rights Are Protected by Law
b. The Right to Trial
c. No Unfair Detainment
d. We're All Equal Before the Law
4.) Sa artikulo na ito isinasaad na Lahat tayo ay may karapatan sa buhay at mamuhay sa kalayaan at kaligtasan.
a. No Slavery
b. We are all born Free & Equal
c. Freedom to Move
d. The Right to Life
5.)Sa artikulo na ito isinasaad na Ang bawat tao’y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan.
a. Rights are inalienable
b. Duty to your Community
c. Right to a free and fair world
d. No Unfair Detainment
6.)Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao ay may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba.
a. Right to a free and fair world
b. The Right to life
c. The Right to Privacy
d. Right to own property
7.)Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan. Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan ng walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang nationality.
a. We are all born Free & Equal
b. Rights are inalienable
c. Freedom of religion or belief
d Right to a Nationality
8.)Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis.
a. Duty to your community
b. Your Human Rights Are Protected by Law
c. We're Always Innocent Till Proven Guilty
d. We're All Equal Before the Law
9.)Sa artikulo na ito isinasaad na ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan.
a. We are all born Free & Equal
b. The Right to Trial
c. We're All Equal Before the Law
d. No Slavery
10.)Sa artikulo na ito isinasaad na lahat tayo ay dapat tratuhin sa parehong paraan
a. We are all born free & Equal
b. The Right to Life
c. Don’t Discriminate
d. Freedom to Move
MAHUSAY!!!
by: Roma Borreta and MJ Lappay