PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Napahahalagahan ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon
Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Napahahalagahan ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon
Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon
Nasa 27 eksperto sa sexual orientation at gender identity o SOGI na nagmula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon- tipon sa YOGYAKARTA, INDONESIA noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Universal Declaration of Human Rights o UDHR at ilang mga rekomendasyon.
PRINSIPYO 1
PRINSIPYO 2
ANG MGA KARAPAKARAPATANTAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
PRINSIPYO 4
KARAPATAN MABUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan kaugnayan sa sexual orientationorientationorientatioorion at gender identity.
PRINSIPYO 10
ANG KARAPATAN LABAN SA TORTURE AT SA MALUPIT, MAKA HAYOP O MAPANGHIYANG PAGTRATO SA TAO
PRINSIPYO 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasiyong nag-uugat sa sexual orientation at gender identity.
PRINSIPYO 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon ng walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng sexual orientation at gender identity.
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng sexual orientation at gender identity.
BAN KI MOON
“LGBT RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS" -Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary General Ban Ki-Moon upang hikayatin ang mga miyembro ng estado na wakasan na ang mga pang- aapi at pang-aabuso laban sa mga LGBT.
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women's Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
to ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma'y hindi nito maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nag didiskrimina sa babae
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Ang Anti-violence against women and their children act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak.
Ang "kababaihan" sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.
Ang "mga anak" naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad ("primary duty bearer") ng komprehensibong batas na ito. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, "illegal recruitment", "human trafficking" at mga babaeng nakakulong.