Mga Hamong Pangkultura sa Pilipinas
Sa pagsisimula ng pagsasaayos ng pagkabansa o pagsasarili ng Pilipinas, naharap ito hindi lamang sa mga hamong pampolitikal, kundi sa mga hamong pang-ekonomiya rin.
Isyu: LUMALAKING AGWAT NG MAYAMAN AT MAHIRAP
HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KITA
Ang malaking bahagi ng pambansang kita ay napupunta sa maliit na porsiyento ng populasyon,
Ang hindi pagkakapantay-pantay ay nakapipigil sa mga pagsisikap ng pamahalaan na mabawasan ang kahirapan.
MGA POLISIYANG PANGKALAKALAN
Ang mga polisiyang pang-ekonomiya mula 1950 hanggang 1980 ay nagdulot ng mababang sahod at mas mabagal na paglago ng paggawa.
Ang malaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa lipunan.
PAGGUGOL NG PAMAHALAAN
Ang kakulangan sa priyoridad ng pamahalaan sa edukasyon at kalusugan ay nagdulot ng limitadong oportunidad para sa mahihirap.
Ang mabagal na pagtaas ng GDP rate mula 1970 hanggang 1995 ay nagdulot ng pagkakalaglag ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
Isyu: HINDI MAUNLAD NA SEKTOR NG AGRIKULTURA
SANHI
Kakulangan ng Kapital
Kakulangan ng Pasilidad
Climate Change
Kakulangan ng Oportunidad sa Pamilihan
Kakulangan ng Makabagong Teknolohiya
EPEKTO
PAGKALUGI
PAGKAKAUTANG
PAGBABA NG PRODUKSYON
KAHIRAPAN
PAGKAWALA NG INTERES
Isyu: KAWALAN NG BASENG INDUSTRIYAL
SANHI
KOLONYALISMO
KAKULANGAN NG IMPRASTRUKTURA
BURUKRASYA AT KATIWALIAN
PAG-ASA SA SEKTOR NG SERBISYO
EPEKTO
MAHINANG BASENG INDUSTRIYAL
LIMITADONG PAG-UNLAD NG PRODUKTIBIDAD
KAKULANGAN NG OPORTUNIDAD SA TRABAHO
iSolution
#Solusyon ng Pangulo sa Ekonomiya
Ilagay ang iyong sarili sa kalagayan ng pangulo ng Pilipinas. Ano kaya ang maaari mong gawin upang maibsan
ang mga hamong pang-ekonomiyang ito? Magbigay ng isang paraan o mungkahi.
Ang problema ng kahirapan ay hindi isang problema ng kakulangan; ito ay isang problema ng hindi pagkakapantay-pantay.
"The problem of poverty is not a problem of scarcity; it is a problem of inequality."
– Abhijit Banerjee,
Nobel Prize-winning economist.
Ang Pilipinas ay isang bansa na mayaman sa kultura at kasaysayan. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang bansa ay nahaharap sa iba't ibang hamon na nakaaapekto sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino at sa kanilang pamumuhay.
Mga Hamong Pangkultura sa Pilipinas
Pagkakakilanlang Pilipino: Isang Paglalakbay
Impluwensya ng Iba't Ibang Kultura
Ang Pilipinas ay napalolooban ng mayaman at magkakaibang pamanang kultural na nahubog ng daan-daang taon ng kolonisasyon, pandarayuhan, at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kultura.
Bunsod ng kalagayang ito, ang konsepto ng pagkakakilanlang Pilipino ay hindi madaling matukoy at higit sa lahat ay umunlad na sa pagdaan ng panahon.
Pagkakaiba-iba ng mga Pangkat-Etniko
Dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 pulo, ito ay pinaninirahan ng maraming pangkat-etniko na may kani-kaniyang wika, gawi, at tradisyon, na naging sanhi ng katapatan sa interes ng isang partikular na rehiyon at kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkalito sa kung paano ilalarawan ang pagkakakilanlang Pilipino-kung ibabatay ba ito sa rehiyon na kinabibilangan o sa kinabibilangang nasyonalidad.
Pista at Tanyag na Lalawigan ng Pilipinas
Baguio CITY (Benguet)
Ang "Panagbenga" Festival, isang taunang pagdiriwang ng mga bulaklak, ay ginaganap sa lalawigan na kilala rin bilang "Summer Capital of the Philippines.“
CEBU
Ang "Sinulog Festival," isang sikat na cultural at religious festival, ay ginaganap sa lalawigan na may palayaw na "Queen City of the South.“
DAVAO CITY
Ang "Kadayawan Festival," isang festival na ipinagdiriwang bilang pagpaparangal sa mga indigenous people at kultura, ay ginaganap sa lalawigan na may palayaw na "Crown Jewel of Mindanao."
Pagkilala sa mga Pangkat-Etniko
Ang Pilipinas ay may mahigit 100 pangkat-etniko at katutubong mamamayan. Sa kabila ng kanilang likas na yaman, sila ay kabilang sa pinakamahihirap at mahinang sektor ng bansa. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa Mindanao (61%), Luzon (33%), at Visayas (6%). Nahihirapan din sa pag-angkop sa mabilis na pagbabago ng lipunan, ekonomiya, at politika.
#Kaisa Ako
Bakit mahalagang mabigyan ng pansin ng pamahalaan ang kaayusan at pagpapabuti sa kalagayan ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas?
"Ang pagkakakilanlan ng Pilipino ay hindi isang tuldok, kundi isang patuloy na paglalakbay na hinuhubog ng kasaysayan, kultura, at mga hamon ng panahon."
Sa kabila ng makulay at masalimuot na kasaysayanng ating bansa, hindi maikakaila na ang mga isyung panlipunan—tulad ng hindi pagkakapantay-pantay, diskriminasyon, at pagsasamantala— ay nagbigay-daan sa mga kilusang naglayong baguhin ang kalagayan ng mga mamamayan.
Pag-usbong ng mga Kilusang Komunista
Bunsod ng mga Suliraning Panlipunan
Mga Suliraning Panlipunan na Nagdulot ng
Pag-usbong ng Kilusang Komunista
Imperyalismo
Ang imperyalismo ay ang pagkontrol ng mga makapangyarihang bansa sa mga mahihirap na bansa.
Piyudalismo
Ang piyudalismo ay isang sistema ng lipunan kung saan ang mga mayayamang tao ay nagmamay-ari ng lupa at mga manggagawa.
Burukratikong Kapitalismo
Ang burukratikong kapitalismo ay isang sistema ng ekonomiya kung saan ang mga opisyal ng pamahalaan ay may malaking kapangyarihan sa negosyo.
Ang Communist Party of the Philippines (CPP)
Pagtatatag ng CPP
Itinatag ni Jose Maria Sison ang Communist Party of the Philippines (CPP) noong Disyembre 1968.
Pagtatatag ng NPA
Itinatag ang New People's Army (NPA) noong Marso 1969 bilang armadong sangay ng CPP.
Pakikipaglaban sa Rehimeng Marcos
Nagsimula ang NPA ng pakikipaglabang gerilya laban sa rehimeng Marcos noong 1970s.
Paglaganap ng NPA
Lumaganap ang NPA mula sa hilagang Luzon hanggang sa iba pang mga pulo ng bansa.
Abu Sayyaf Group (ASG)
Ang Abu Sayyaf Group (ASG) ay isang militanteng grupo na nakabase sa pulo ng Basilan sa katimugan ng Pilipinas. Ang mga kasapi nito ay dating mga gerilya na pinamumunuan ni Abdurajak Abubakar Janjalani.
Layunin ng ASG na magtatag ng isang nagsasariling estado na sasaklaw sa kalakhang populasyon ng Muslim sa Pilipinas, na pamamahalaan sa ilalim ng Batas Sharia.
Ang Kasalukuyang Kalagayan
ng Usapang Pangkapayapaan
NTF-ELCAC
Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay naglalayong wakasan ang armadong pakikibaka ng mga komunista.
Red-tagging
Ang red-tagging ay pagtukoy sa mga grupo o indibidwal na kritikal sa gobyerno bilang mga komunista o terorista.
Localized Peace Talks
Ang administrasyong Marcos Jr. ay naglalayong ipagpatuloy ang localized peace talks.
Pili sa Kahon
1.Itinatag ni Jose Maria Sison noong 1968
2.Armadong sangay ng CPP na itinatag noong 1969
3.Militanteng grupo na naglalayong magtatag ng nagsasariling estado para sa mga Muslim sa Pilipinas
4.Layunin nitong wakasan ang armadong pakikibaka ng mga komunista
5.Pagtukoy sa mga grupong kritikal sa gobyerno bilang komunista o terorista
iSpeak
Makatuwiran ba ang red tagging?
Anong panganib ang nakaabang sa mga nare-redtag?
Pag-usbong ng mga Kilusang Moro
Bunsod ng mga Suliraning Panlipunan
MORO SEPARATIST MOVEMENT
Ang kasaysayan ng kilusang Moro Separatist ay isang mahaba at kumplikadong kwento ng pakikipaglaban para sa pagsasarili, pagkakaiba ng kultura, at paghahanap ng kapayapaan.
Ang Pinagmulan ng Kilusan
Ang Katagang Moro
Ang katagang Moro ay tumutukoy sa mga pangkat etnikong Muslim na naninirahan sa Mindanao at kapuluang Sulu sa katimugan ng Pilipinas. Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at iba pang pangkat etniko na Muslim.
Ang Simula ng Pakikipaglaban
Ang isyu tungkol sa mga Moro Separatist ay nagsimula pa noong panahon ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang panahong ito, matapang na nakipaglaban ang mga Moro sa mga Amerikano upang madepensahan ang kanilang lupain.
Moro National Liberation Front (MNLF)
Ang MNLF na itinatag ni Nur Misuari noong 1972 ay naghangad na makapagtatag ng malayang estadong Islamic.
Moro Islamic Liberation Front (MILF)
Ang MILF ay nabuo noong1977 ngunit naging aktibo lamang noong 1984.
Hindi ipinagkaloob ni dating Pangulong Marcos ang hinihinging malayang estadong Islamic ng MNLF, at inalok sila ng rehiyonal na awtonomiya na tinanggihan ng MNLF.
Dahil dito, nagkaroon ng labanan at negosasyon na nauwi sa Tripoli Agreement sa Libya, kung saan nagresulta sa tigil-putukan at pagkakaloob ng awtonomiya sa mga lalawigang Muslim sa Mindanao, kabilang ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi, na naging bahagi ng ARMM.
Ang pangyayaring ito ay kinikilalang pambihirang pagtatagumpay sa panig ng pamahalaan dahil inasahang ito ay makapagpapatatag ng kapayapaan sa rehiyon. Ngunit matapos ang paglagda sa kasunduang ito, marami sa miyembro at opisyal ng MNLF ang kumalas sa samahan. Ito ay humantong sa pagkakalikha ng MILF.
Binago ng MILF ang kanilang hiling noong 2014. Inihayag nila ang higit na pakikipagkasunduang politikal sa halip na lubos na kalayaan. Sa pagkakataong ito, tinanggap ng samahan ang alok ng pamahalaang pagtatalaga ng rehiyong autonomous sa katimugan ng bansa na tinawag na Bangsamoro.
Naisabatas ang Bangsamoro Organic Law (BOL) sa pamamagitan ng plebisito noong Enero 2019, na naging daan sa pagbuwag ng ARMM at ang unti-unting transisyon patungo sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pormal itong inilunsad noong Marso 2019, at kabilang sa limang probinsiyang bahagi ng BARMM ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi. Katulad ng ARMM, mayroon itong sariling sistema ng hustisya na nakabase sa Shari’ah.
Sa paanong paraan maisasakatuparan ng BARMM ang pagkakaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao?